Chapter 4: Little things.

3 1 0
                                    

UNTIL THE NEXT SUNSET,
4sweetragedy.

Halos maduling at mahilo na ako sa dami ng stores na napuntahan namin. Bili doon, pili dyan, nakakahilo na! “Heto Ellie, try mo ’to,” muling saad ni Sam sabay abot ng isang elegant starry gown. Maganda ang details nito at kulay white s'ya, slim rin na feeling ko naman ay babagay sa ’kim.

Tumango na lang din ako at agad na nagtungo sa dressing room para isukat. Bagay man ’to sa ’kin o hindi ito na ang bibilhin ko. Pagod na akong ikutin ang buong mall.

Bukas na kasi ang prom. It's been a month na rin ang nakakaraan simula ng ini-announced ’yon. Yes, medyo tutok ang pagbili namin ng gown dahil tinapos pa namin ang isa naming thesis defense. Napag-isip isip ko nga na baka pampalubag loob lang ’tong prom na ’to.

Lumabas na ako ng dressing room nang may ngiti. Bagay naman sa 'kin. Medyo revealing lang sa may shoulder and sa hita pero okay na 'to kaysa naman lalo pa akong malintikan sa mga pipiliin ng tatlong ’to.

Kitang-kita ko naman ang abot tengang ngiti ni Sam, Ely at Nicole. Yes naman, mukhang nagugustuhan din nila. Makakapahinga na rin. “Bagay sa 'yo, ’yan na,” nakangiting saad ni Nicole.

Nang makapagpalit na ako ng damit ay naupo muna ako sa gilid habang panay pa sila sa pagpili. Nasa kalagitnaan ako ng pagrereklamo sa isip ko nang biglang mag ring ang phone ko. Tumatawag si Liam.

Agad ko 'yong kinuha at sinagot, “Napatawag ka, Liam?”

“Saang banda kayo? Papunta rin ako ng mall to buy my suit,” saad n'ya sa kabilang linya.

Agad akong lumingon sa paligid, “Nasa second floor kami, sa tapat ng Gucci,” tanging naging saad ko. Alam ko naman na mabilis n'ya 'to mahanap dahil lagi rin s'yang tambay sa mall.

“Hmm, hintayin mo 'ko d'yan,” muling n'yang saad sabay patay ng linya.

Mukhang maghihintay na naman ako dito pero much better kaysa naman paikot-ikot sa buong mall. Agad kong binuksan ang binili naming buns kanina. Hindi ko alam kung anong flavor nito pero dahil gutom ako, okay na ’to.

Akmang kakagatin ko na ang tinapay na mukhang masarap naman ay may biglang humila sa kamay ko. Kunot noo akong tumingin sa tao na 'yon pero agad ding nawala nang ma-realized ko kung sino ’yon.

“It's peanut,” malamig na tono n'yang saad. Nanatili naman akong nakatulala sa kan'ya.

“Ha?” Tanong ko, hindi ko narinig kung ano ang sinabi n'ya.

“The flavor of this buns is peanut, Idiot,” malamig na patuloy n'ya. Agad n'yang kinuha ang buns sa kamay ko at akmang aalis na pero agad na dumating si Liam at kinuha sa kamay n'ya ang buns na sanay kakagatin ko na kanina.

Nanatili akong nakatulala sa kanilang dalawa. Bukod kasi sa gutom at pagod ako, e, hindi ko alam kung anong pinanggagalingan ng galit ng dalawang 'to. Tila mainit ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Nag-aaway ba sila dahil sa tinapay?

“Leave her alone, Kian. What do you want, huh?” Halatang inis na saad ni Liam. Ilang beses

“Tss, stop this nonsense, Liam," inis din na saad ni Kian sabay talikod sa aming dalawa para maglakad paalis. Hindi pa man s'ya nakakalayo ay muling s'yang magsalita, “Allergic s'ya peanut.”

Sandali kaming natigilang dalawa ni Liam. Hindi ako nakapagsalita at gano'n din naman sya. Hindi ko akalain na alam n'ya pa ’yon. Ramdam ko ang inis ni Liam pero hindi n'ya ’yon ipinahalata nang lumapit s'ya sa gawi ko sabay kuha ng mga gamit ko. “Let's go,” saad n'ya.

Until The Next Sunset (Completed)Where stories live. Discover now