Pinunasan ko ang noo ko na may pawis, alas otso na ng gabi at syempre sa ganitong oras ay mas maraming ang tao na kumakain sa restaurant
Aliga ako dahil sobrang dami ng tao, pero ayos lang. Basta alam ko ay kikita ako ng pera para maka pag ipon pag manganganak na ako
"Pre, ganda ni ate oh. Tanungin mo kung anong number."
Narinig kong turan nang mga binatilyong malapit saakin ang pwesto ng lamesa
Umiling na lang ako at di na nakinig sa pinag kwekwentuhan nila
"Tangina parang papatulan kayo nyan sa ganda nyan e?" At sabay silang nag halakhakan
Ayoko man makinig sa usapan nila ay sadyang malakas ang boses nila at naririnig ko ito.
"Timang, makikipag friends lang naman daw si Damian e."
"Baliw, bakit ako?" Sabat ng isa
"Sus tatanggi pa, e kanina pa naman na napapansin na nakatingin ka kay ateng Naka Dilaw.
Napakurap ako at napatingin sa damit ko, ako lang naman ang naka dilaw dito
"Tangina nyo, nakakahiya kayo."
"Miss, pwede daw ba makuha ang number mo sabi ni Damian. Yung naka polo na itim." Ngiti ng isa at nagulat ako nang makarating ito sa pwesto ko
"A-ako?" Taka kong tanong
"Hindi miss, ako ang hinihingian nya ng number." Nang aasar na himig nito
Hindi ko na lang sya pinansin at nag pokus sa pag tratrabaho.
Break time kaya naman sinusulit ko upang kumain, lalo na at hindi na ako iisa lang na kumakain."Miss ang suplada mo naman, Gwapo naman si Damian miss. Di ka na lugi sa kaibigan namin. Yun oh " Turan nito at saka may itinuro
Tiningnan ko kung saan sya nakaturo at nakita ko ang lalaking namumula ang tenga tapos ay nag tatawanan ang mga kaibigan nito
Tama sya, gwapo nga ang lalaking ito at mukhang mas bata sakin
Umiling na lang ako, puro talaga kalokohan ang mga bata
Isang bata lang din naman ang nakakuja ng puso ko.
Iisa lang wala nang iba pa"Mga Hijo, akoy mag kakaanak na kaya wag nyo ako isama sa kalokohan nyong mag kakaibigan." Seryosong turan ko sa kanya
Saglit itong natigilan at napapahiyang kumamot ng ulo
"S-Sorry po ate." Ngiwi nya saka bumalik na sa table nila at nakita ko na nag usap sila
Nag tama ang paningin namin ng sinasabi nyang Damian at nakita ko na walang mababasang emosyon sa mata nito, hindi tulad kanina na mapula ang tenga na parang nahihiya
Bumuntong hininga ako at naupo, medyo mapagod din. Ramdam ko na ibang iba na sarili ko, mabilis ako mapagod at hingalin
Parang halos gusto ko na lang mahiga at matulog mag hapon, pero hindi pwede kailangan kong kumayod
Maya maya pa ay may pumasok na isang lalaki, mapula ang mata nito at pagewang gewang na lumapit saakin
"Miss! Bigyan mo ako ng mainit na sabaw! Bilis!" Lasing na turan nito
"Okay Sir, wait for your order. Pwede na po kayo maupo sa isang table muna habang nag iintay." Turan ko dito
Tumingin ito sakin at tumawa, nakita ko kung gaano kadilaw ang ngipin nya
"Hahah tangina, ang bulok naman pala ng serbisyo nyo eh! Pag sinabi kong bilisan mo, gusto ko agad narito na!!" Nagulat ako ng itapon nya lahat ng nasa lamesa na nakapatong
Napatingin ang ibang customer dahil doon
"S-Sir, mas mabuti po na umuwi na muna kayo dahil lasing na lasing Ho kayo." Turan ko at lumapit para alalayan ito
Tila napantig ang tainga nito at galit na humarap sakin
"Anong sabi mong babae ka, inuutusan mo ba akong punyeta ka?!" Nanlaki ang mata ko nang sabunutan ako nito
Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa takot, agad akong napahawak sa tiyan ko
Jusko ang baby ko
"S-Sir!"
"Bat di ikaw ang umuwi tangina mo---
Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng may malakas na humila sa kwelyo nya at sinuntok ito ng malakas
Agad napa hiyaw ang mga nanunuod
Nakita ko na napahiga ito kaya naman hinila ito ni Damian patayo gamit ang kwelyo nito
Oo si Damian, ang tinutukoy na lalaki nung kaninang nag tatanong sakin
Napatabo ako sapagkat baka ako tamaan at baka mapaano ang anak ko sa tyan
"S-Sino ka ba?!" Nangangatol na turan nung lasing na lalaki
"Kung gusto mo mag wala doon ka sa labas! Wag ka mandamay ng mga nanahimik na tao." Gigil nitong kinwelyuhan yung lalaki, "at isa pa wag kang nananakit ng babae." Turan nito at sinuntok ito ng malakas dahilan para mawalan ito ng malay, buhat na din sa kalasingan nito
Natulala ako, bakit palagi na lang akong nadadamay sa gulo
At nadadamay ko ang ibang tao sa gulo ko, dahilan para maka sakit sila ng kapwaNakita ko na kunot noong lumingon sakin si Damian at mabilis pa sa alas kwatro na hinawakan nya ako sa pulso at hinila palabas
"Nasan ba ang asawa mo? Bakit ka nya pinapabayaan mag trabaho hah?" May himig ng inis sa boses nya
Bakit ba sya nagagalit, hindi ko naman sinabi na tulungan nya ako dahilan para masaktan pa sya
At napababa ang tingin ko sa kamao nya at nakita ko na may dugo ito
"Salamat sa pag tulong saakin. Maari mo na akong iwan, ako nang bahala sa mga nabasag kanina." Sagot ko ay tumalikod na
"If I were your husband, hindi kita hahayaan mag trabaho. Damn, bakla lang ang gumawa non."
Napalingon ako nang muli syang nag salita, Nakita ko ang kaseryusuhan sa mukha nya
Tumango lang ako, "Sige, salamat ulit." At tumuloy na ulit sa pag pasok
Ibig kong malungkot sa sinabi nya, hindi ko nga asawa si Silas
Nabuntis nya lang ako at ngayon ay masaya na sya gaya ng sinabi ni DemiHindi ko alam ngunit nangunguli ako sa kanya.
Namimiss ko si Silas, gusto ko syang yakapin at amuyin.Miss na miss ko na sya
######
![](https://img.wattpad.com/cover/336138997-288-k45779.jpg)
BINABASA MO ANG
Nanny, I love you (SANTILLAN 2ND GEN #4)
RomanceSilas Santillan The youngest and the greenest red flag of all the Santillans. He's a green, but beware being obsessed runs in their blood. [Warning R18⚠️]