chapter o8: marika ronelio

2.6K 256 115
                                    


"Wait

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wait. Braylee Emanuel? The dumbaby Braylee Emanuel was bullied in high school?"

"The moment I saw her crying in that comfort room? I should've done something. Heck, even if she didn't turn out to be Bluberry's sister, I still should've done something. That was years ago and that shit still haunts me."

"Anong ginawa mo? Sinabi mo ba agad sa kanya na may nambu-bully kay Braylee?"

"Not exactly . . . "

"Huh? Ano palang ginawa mo?"

"I swear, I just talked to her!"

✦ ✦ ✦


"Tahimik naman ng mga babae sa buhay ni Bryan . . . "

Muntik akong mabilaukan sa kinakain dahil sa sinabi ni Janus. Nagtawanan silang lahat, maliban lamang kay Blueberry na parang nagpapatay-malisya na lang. 

"K-Kayo ng kuya ko?" Braylee looked up from her bowl of fried rice. She giggled a bit but I could tell how nervous she was just by looking at her eyes. And I didn't know if my eyes were just playing tricks on me, but she looked really sad.

Who was I kidding? Braylee and her brother had the same bright smile, but they also had the same gloomy eyes. Like Blueberry, it felt like Braylee's sunshine was covered up with dark clouds, and I knew exactly why.

"Ano 'yong narinig ko na may nagbigay daw sa 'yo ng love letter?" biglang tanong ni Blueberry sa kapatid niya. Nice save.

Blueberry was smiling but there was an air of authority in his voice. Mabilis na umiling-iling ang kapatid niya—akala mo naman krimen ang dine-deny.

"Naku! May nanliligaw na sa 'yo, Bray?" pang-aasar ni Janus. Bahagya pa siyang pumatong sa kinauupuan para maipakita kay Braylee ang kanyang nakakalokong ngisi. "Naku, naku! Ipakilala mo muna sa amin. Kikilatisin namin mula ulo hanggang paa. Puwede niya rin kaming sumuhulan—Isang bote ng whiskey sa bawat 'oo' namin."

"Or if you want to reject your manliligaw, this girl is for ya!" sabi naman ni Carri at bigla akong tinuro.

Nagkatinginan ulit kami ni Braylee. She giggled awkwardly kaya natawa na lamang din ako at lumamon na lang.

"Meron ngang nagbigay?" tanong ni Blueberry at pabirong tinaasan ng kilay ang kapatid.

"Nagbigay ng ano?" Braylee asked, looking all innocent and clueless. Napaisip ako bigla kung nagpapatay-malisya lang siya o nalilito talaga siya.

"Ng pera," pabirong singit ni Jasper.

"Pero hindi ako ang treasurer ng classroom namin?" kaswal na sagot ni Braylee, bakas ang kalituhan sa mukha.

The Goodbye GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon