11

572 35 9
                                    

Sabado ng umaga, tinanghali ng gising si deanna , nagmadali syang. kumilos naligo, nagbihis ng jeans at batman tshirt at cross. kailangan pa nyang pumunta sa grocery bago pumunta sa condo ni bea. Tiningnan nya ang cp kung may message pero wala naman, Nag- aalala lang sya na baka pumunta si ivy sa condo ni bea ng walang tao. Sabi kasi ni Ivy before lunch sya pupunta pero 10:30 nasa sariling condo parin si deanna
Nakarating sya sa puregold pasig ito ang pinaka malapit na grocery sa luxureville condominium kung saan nakatira si bea.

Pagpasok kumuha ng cart at nagtungo na sa section kung saan andoon ang paper plates , sa kakamadali nya hindi nya napansin ang paparating na cart galing sa kanan nya, nabunggo nya ito.

Ay! anu ba yan!." galit na sabi ni Ivy.

Sorry miss! nagmamadali lang ako hindi kita napansin." sagot ni deanna

IKAW NA NAMAN!!!" sabay na sabi ng mga ito at sabay na natawa.

Anu ginagawa mo dito?." tanong ni deanna.

Obvious ba nag gogrocery!." pilyang sagot ng dalaga.

I mean bakit dito?." sambit ni deanna.

Tinanong ko kasi si bea kung may malapit na grocery sa condo nya, kasi nagcompute lng ako, para kung sakaling magtaxi ako mabilis lang .sambit ng dalaga.

Ah okey!, buti nagkita tayo para may katulong kang magbitbit ng pinamili mo, at hindi mo na kailangan magcompute kase may dala akong sasakyan." sagot ni deanna

Ikaw bat andito ka , ang pagkakaalam ko lugar ang nakatoka sayo." tanong ng dalaga

Oo that means ako ang bahala sa lahat ng gamit na kailangan so bibili ako ng paper plates, spoon & fork, plastic cup, table napkin and garbage bags. I need to make sure na marami ang mineral water at Ice at nagpahabol pa si bea nung gagawin nyang veggies salad. sagot ni deanna.

ah ok, patapos narin naman na ako, I got everything for the pasta, pero gusto ko sanang magluto ng fish or calamaris with dip.! palagay mo?, tsaka may oven toaster ba si bea?." para bumili narin ako ng garlic bread." sambit  ng dalaga.

Oy, masarap yun, oo may oven si bea." sagot ni deanna.

Ganito nlng go get what you need then magkita nlng tayo sa counter para mapabilis.." sambit ni ivy.

Okey sige good idea." tanging sagot ni deanna , naghiwalay na nga sila nasa veggies section na si deanna nag magtxt ito kay ivy.

chef anu nga yung sa salad, lettuce, cucumber, karot, tomatoes, onion anu pa nga yung iba?." tanong nito sa dalaga.

Ham&cheese tsaka yung dip." sagot ni ivy

Anung klaseng dip andami dito iba iba e ." reply nito

Thousand island tsaka ranch nlng kunin mo." reply ni ivy

Okey, got it chef.," nasa counter kana?." tanong ni deanna.

opo counter 12 bilisan mo para ikaw na kasunod ko." reply ni ivy

Nagbabayad na si ivy sakto namang dating ni deanna, may mauuna pa sanang babae pero nauna ang cart ni deanna, Nagsmile ito ng napakasweet sabay sabing." Sorry." at pinabayaan nlng sya nung babae hinayaang mauna sya.

With YouWhere stories live. Discover now