chapter 36

186 19 5
                                    

kiro’s PoV

halos hindi pa din maproseso ng utak ko ang rebelasyon na aking nalaman sa lalaking ito, papaanong isa rin siyang summoner? kung ganon hindi lang pala ako ang may ganitong klaseng abilidad? posible kayang kalahi ko rin ang lalaking 'to?

“bakit hindi ka makagalaw? gulat kaba sa iyong nalaman?” nakangisi netong ani kaya naikuyom ko ang aking mga kamay dahil sa sobrang pagkagulat.

saka kona aalamin kung sino ba talaga ang lalaking ito, gagawin ko muna ngayon kung anong nararapat.

“hindi ka talaga a-atake? pwes ako na ang mauuna” saka siya nagpakawala ng napakaraming apoy at sabay na bumulusok papunta sa akin, nagulantang naman ako at hindi alam ang gagawin dahil unang beses kong magamit ang kapangyarihan netong ahas na 'to.

“iwasiwas mo lang ang iyong mga kamay at isipin kung ano ang gusto mong gawin at iyon ang su-sundin ng iyong kapangyarihan, mag isip kanga” aning ahas sa aking isip kaya sinunod ko ito at ipinosisyon ang aking kamay saka nag umpisang isipin ang aking gustong gawin habang iwinawasiwas ko ang aking mga kamay.

habang ginagawa ko iyon ang unti-unting huminto ang mga bolang apoy na sana'y paparating sa akin saka ito bumulusok pabalik sa kalaban na naging sanhi upang ito'y matamaan.

“a-ang galing” mangha kong bulong.

wala akong maaninag dahil sa usok dulot ng apoy na tumama sa aking katunggali, ganon kalakas ang epekto ng mga apoy na iyon? hindi ko pa rin mawari ang tunay na kapangyarihan ng lalaking ito, nakakabahala.

“magaling, magaling, magaling. Mukhang gaganahan akong makipaglaban sa isang 'to ah” bigla niyang sabi kaya tinignan ko ang kaninang pwesto na kaniyang tinatayuan at halos parang walang tumamang apoy sa kaniya.

nag-isip agad ako sa aking sunod na gagawin para maunahan ang damuhong 'to, hindi ko alam kung kakayanin ko bang makipag tunggali pero su-subukan ko para kay kira ng bigla kong maalala ang aking ginagawa noon.

“ma-maari ko pa kayang magawa iyon gayong nasa ibang anyo ako?” tanong ko sa aking isipan.

“aba syempre, abilidad ang lumakas sa iyo at hindi apektado roon ang iyong nakasanayang kapangyarihan kaya maaari mo pa itong magawa at mas mapalakas ito lalo sa tulong ng aking kapangyarihan” explinar niya na ikinatango ko ng mahina, kung gayon.

ikinumpas ko ang aking dalawang kamay at binanggit ang sortilege na palagi kong ginagamit noon.

prohibere” bagkit ko sa spell saka itinutok ang aking dalawang kamay sa lalaking nakatayo 'di kalayuan, kita ko ang pag ta-taka sa kaniyang mukha at pansin ko rin ang hindi niya pag galaw. Mabuti at gumana ang aking kapangyarihan.

“a-anong ginagawa mo?! b-bakit hindi ako makagalaw?!!” kita kong hindi na ito mapakali sa kaniyang kinatatayuan dahil sa hindi na ito makagalaw, ako naman ang a-atake.

“huwag kang mag alala hindi naman pangmatagalan 'yang pagka paralisa ng iyong katawan, matatanggal rin iyan kapag ipinawalang bisa ko ang aking ginawa. Ako naman ang a-atake ha?” nakangisi kong tugon pampainis sa aking katunggali na epektibo naman dahil kita ko ang pag bakat ng kaniyang mga ugat sa may bandang leeg dahil siguro sa pagkainis at sa mukha niyang sobrang dilim na animo'y ano mang oras ay gusto ng pumaslang.

“anguis crepitaculum!!” bigkas ko sa aking binitawang sortilege at ang pag labas ng iba't ibang klaseng ahas ang naging resulta saka sabay na bumulusok sa aking kaharap.

“isa lamang iyan sa aking mga abilidad bata, ang pag palabas ng ahas ay ang nasa mahinang antas ng aking kapangyarihan pero huwag mo itong maiilitin, hindi porket mahina ito sa'kin ay mahina rin ang epekto neto sa kalaban, makamandang ang lahat ng ahas na lumalabas sa iyo kaya huwag kang mabahala” biglang ani ng ahas sa aking isipan, kung ganon ay may malakas pa siyang abilidad maliban dito? ibang klase.

tinignan ko ang pwesto ng taong aking katunggali na si sarjo, hindi kopa masyadong maaninag ang kaniyang pwesto sapagkat nakatakip pa ang usok gawa ng aking atake pero ilang saglit lang din iyun at tuluyan na itong nawala at tumambad sa akon ang walang kagalos-galos na si sarjo, h-hindi k-kapani-paniwala.

“woooh ang lakas nun, mabuti na lamang at hindi ko binawasan ang aking depensa baka sakaling tunaw na ako ngayon” aniya habang pinapagpag ang kaniyang mamahaling damit saka ako seryusong tinignan.

“hindi ko alam kung gaano ka kalakas kiro pero—” hindi pa niya natatapos banggitin ang nais niyang sabihin ng bigla akong nag pakawala ng napakaraming ahas at ipinabulusok iyon sa kaniya.

tudo iwas naman ang kaniyang ginagawa na parang isang laro lang ang mga atakeng aking ipinakawala, ang lakas niya masyado hindi ko alam kung anong antas ng kapangyarihan meron ang isang ito.

“malakas ang kaniyang depensa bata dahil siguro sa kaniyang kapangyarihan o nakasanayan, pero pag dating sa atake ay kaya mong lamangan ang iyong katunggali, huwag kang mabahala nasa likod mo lamang ako” buti nalang at narito pa ang aking spiritong ahas, kung nasa ganitong anyo ako ay magagawa kong makipag-sabayan sa lalaking 'to.

“tama na ang laro, ako na ang ta-tapos sa labanang ito” seryuso niyang sambit na akin namang ikinabahala, l-lagot.

“per potestatem in me collatam invoco potestatem unius Angeli, aperta zeldis!!” malakas niyang sambit sa mga katagang hindi pamilyar sa'kin, a-ano ang kaniyang ginagawa?

“mag-iingat ka bata, nag sisimula ng ipakita ng lalaking 'yan ang kaniyang tunay na kapangyarihan” biglang ani ng ahas sa aking isipan.

inihanda ko ang aking sarili sa posibleng mangyare, hindi ako pu-pwedeng matakot sapagkat hindi kopa nakakamit ang hostisyang nararapat kay kira, wala pa akong nagagawa.

habang pinapakiramdaman ko ang aking paligid ay siya namang biglang pag ilaw ng lalaking aking katunggali na akin namang ikinabahala dahil sa pag lakas ng pwersa neto at ang aurang hindi ko alam kung saan hango dahil sa sobrang tindi, i-imposible.

pagkatapos ng liwanag na iyon ay tumambad naman sa akin ang lalaking pulos puti ang suot na damit at may dalang tungkod ng sirena na aking ipinagtaka.

“hindi ba't ganiyan rin ang ating ginawa ahas?” tanong ko dala ng kyoryusidad.

“siyang tunay hindi iyon imposible dahil siya'y isang summoner rin, ang maipapayo ko lang ay ingatan mo ang iyong sarili sapagkat hindi madali ang iyong kinakaharap ngayon” aniya na akin namang ikinabahala.

“handa kana bang matumba? KIRO MORGAN” kilabot ang hatid ng banggitin niya ang buo kong pangalan, n-nakakatakot ang n-nilalang na ito.

pinalis ko ang takot na aking nararamdaman sapagkat kapag akin itong pinalago ay ako lang rin mismo ang matatalo kaya imbes na rumukruk at matakot ay taas noo akong tumayo at hinarap ang aking katunggali.

“sana ay kayanin ko ito”

______________________________________________

sorry po at ngayon lang nakapag ud, nadelete ko po kasi wattpad app ko saka nakalimutan ko password, mabuti na lang at naka-connect sa fb account ko 'tong watty acc.

please vote & comment and follow me here alijore for more ud.

xNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ