Chapter 3

61 2 0
                                    

Nanginginig ang mga kamay ni Maila habang hawak ang kanyang cellphone at nakatingin sa litrato ng kanyang kasintahan na si Jonathan. Na may kasamang babae.

Ang masaklap pa nun ay nakakandong ang babae sa hita ni Jonathan at naghahalikan. Parehong walang pakialam sa mga taong nakapaligid. Alam ni Maila na nasa isang bar ito dahil na rin sa nagkalat na mga alak sa mesa at sa disco lights.

She bite her lower lip at inilibot ang paningin sa loob ng kanilang  department. Sobrang tahimik ng loob at tanging tunog ng pag type sa keyboard ang maririnig.  Kung hindi pipigilan ni Maila ang kanyang emosyon at bigla na lang umiyak sa gitna ng pag-t-trabaho ay makakakuha siya ng atensiyon na ayaw niyang mangyari.

Gusto niyang tawagan si Jonathan sa mga oraas na ito. Pero para saan pa, hindi minahal ni Maila si Jonathan sa loob ng isang taon nilang magka-relasyon. Ginamit lang niya ito para makalimutan ang  nararamdam niya kay Vincent na alam niyang hindi mapapasakanya.

Sa isang taon nilang magkarelasyon, talaga bang  hindi minahal ni Maila si Jonathan? Kahit kaunti. Hindi naman siguro aabot ng isang taon ang kanilang relasyon kung wala silang pag-ibig na nararamadaman sa isa't isa?

Sa isang taon ng kanilang relasyon ay totoong may kaunting nararamdaman na pagmamahal si Maila kay Jonathan. Alam niyang ginamit niya ang lalaki para malimutan ang pag-ibig na nararamdaman kay Vincent. Pero hindi ibig sabihin nun ay wala siyang nararamdaman.

Kahit papaano ay natutuhan ring mahalin ni Maila si Jonathan. Mabait si Jonathan at maalaga kaya hindi nahirapan si Maila na mahalin ito.  Subalit hindi sapat ang nararamdam niya kay Jonathan para makalimutan ang totoong iniibig.

Maila try her best para mapunta ang buong atensiyon niya kay Jonathan pero hindi niya kayang hindi mapalingon kay Vincent. Ayaw ni Maila na makasira.

At dumating na nga araw nalaman ni Jonathan kung bakit pumayag si Maila na makipagrelasyon sa kanya.

Maila flinch ng makaramdam ng konsensya. Naaawa siya kay Jonathan sa tuwing naalala ang gabing malaman niya ang rason. Jonathan look devastated that night. Puno ng luha ang kanyang mga mata at halos hindi na makahinga dahil sa pag-iyak.

"Why? Why Maila? Ano ang ginawa ko para ganituhin mo ako? You use me." huminto sa pagsasalita si Jonathan at hinabol ang sarling paghinga dahil sa sobrang pag-iyak.  Samantalang si Maila ay nakayukong nakaupo sa sofa at parang gripong umaagos ang kanyang mga luha.

Tiningala ni Maila si Jonathan na nakatayo sa kanyang harapan na ngayon ay nakatingala sa kisame at pilit na pinapakalma ang sariling emosyon. Ng yumuko ito ay nagpang abot ang kanilang mga tingin.

"Sabihin mo sa akin Maila. Sa loob ng isang taon nating magkarelasyon, ang lahat ba ng ipinakita mo sa akin ay totoo or fake lang lahat iyon?"

Hindi agad nakasagot si Maila sa tanong ni Jonathan. Dapat ay kanina pa niyang sinabi na totoo ang ipinakita niya kay Jonathan. Na minahal niya sa paraang alam niya.

Nang subukan niyang magsalita ay walang salita ang lumabas sa bibig niya. Parang may pumipigil kay Maila.

''Bakit ayaw mong sumagot?''

Napailing si Maila at magsasalita na sana ng maunahan siya niito.

''So, it's true! hindi mo naman talaga ako minahal. Sa bawat oras na magkasama tayo at sa bawat oras na sinasabi mo sa akin na mahal mo ako. May ideya akong hindi para sa akin ang lahat ng iyon. Sa kanya mo iyon sinasabi.''

''No Jonathan, hiindi totoo iyan-'' bago pa matapos ang sasabihin niya ay dali-daling lumabas sa kanilang apartment si Jonathan. Leaving Maila crying.

Gamit ang dalawang palad ay tinakpan ni Maila ang kanyang mukha at dun umiyak ng umiyak. She felt guilty. May bahagi sa sinabi ni Jonathan ay totoo na sa tuwing sinasabi niyang mahal niya si Jonathan ay hindi ito para sa kanya kundi para kay Viincent. Pero sa simula pa lamang iyon ng kanilang relasyon.

CHASING LOVE: The Betrayal Where stories live. Discover now