prologue

14 3 42
                                    

"Scella and I broke up," nabigla ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa kanya.


"Huh? How? Kaka-second anniversary niyo lang last week, 'diba?" How come?


"Exactly. That's exactly what I'm also wondering about. How did it happen so fast? And fuck, why does it have to hurt so bad?" he chuckled slightly. Tinanggal niya ang salamin niya at napahilamos siya sa kanyang mukha.


"Masakit daw pero tumatawa, ano ba talaga?"


He just faked a laugh again.


"Kumain ka na—"


"Please be my fake girlfriend," he cut me off.


"Huh?" Ano daw?


"Please, Misty," tinitigan niya ako sa mga mata. Seryoso siya, at mukhang desperado na maging 'fake girlfriend' ako, pero para saan? And at what cost?


"Bakit?" seryoso rin akong nakipagtitigan sa kanya ngunit umiwas na siya ng tingin at tumingin na lang sa ibaba.


"I just want to know if she will come back to me," he almost sounded as if he was about to cry.


"Frostale." Tumayo ako at ipinatong ang dalawang kamay ko sa mga balikat niya, "Paano kung pumalpak tayo?"


"Then we'll try even harder."


"Paano kung hindi siya magselos? At paano kung hindi na siya bumalik sa'yo?" I gave him a lot of what ifs.


"Then..."


"Frostale." Huminga ako ng malalim, "Come on. Magsasayang lang tayo ng oras sa ganitong paraan, eh."


"Just one month. Please, Mistaella..." a tear escaped his eyes.


"Paano kung mag move on ka na lang kaya sa isang buwan na yun? Magbakasyon ka. Malay mo, baka may makilala kang bago at mas better pa sa kanya," iminungkahi ko.


Umiling siya, "I don't want to. I only want her. I only want Scella." he keeps on insisting. Muli siyang tumingin sa akin, nakikiusap. "Please..."


Bumuntong-hininga ako, "Paano kung mahulog ako?" napaiwas ako ng tingin sa kanya. I've fallen before, what if it happens again?


It took him a while to answer that. I looked down and smiled sadly. I know.


"Wag na nating—" I got cut off again.


"Then I will try to catch you."


Natigilan ako sa sinabi niya.


Ipinilig ko ang ulo ko, ayokong umasa.


Ayoko nang umasa pa sa'yo, Frost.


Papaasahin mo lang ako, tapos iisipin ko na naman na may chance na ako sayo, na may chance na tayo, kahit ang totoo wala naman talaga.


"Frost, is that possible? Susubukan mo akong mahalin kahit mahal mo pa siya? Iisa lang ang puso, Frost," naluluhang sabi ko. Agad akong tumingala para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko.


"Why not? Hindi ka naman mahirap mahalin."


I scoffed.


Kung hindi ako mahirap mahalin, bakit kaibigan pa rin ang tingin mo sa akin? Bakit si Scella, kung ako naman ang nauna?


Pumikit ako ng mariin.


"Sige na, payag na ako," sabi ko. I changed my mind easily. Because what if this time we can finally be? What if this time he'll finally choose me?


Kahit na peke lang ang lahat. Gusto ko lang maramdaman na mahal mo rin ako. Kahit na ang ibig sabihin nito ay pagiging tanga, kahit na magmukha pa akong tanga sa'yo.


Basta para sa'yo, gagawin ko. Gagawin ko ang lahat, kasi mahal kita.












—————
prologue na po i2

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Aug 08, 2023 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

close to meWo Geschichten leben. Entdecke jetzt