PROLOGUE

19 0 0
                                    

Stella Mae Ynares

 Hospital, 11:45 p.m

 Gabing-gabi na ngunit narito ako ngayon sa rooftop ng Hospital sa Bataan. Maganda kasi rito, tanaw na tanaw mo ang buwan at ang mga bituin. Idagdag pa ang malamig na hangin na babalot sa iyong buong katawan. Napapikit na lamang ako nang tumama sa akin ang sariwang hangin. Guminhawa kahit papaano ang pakiramdam ko.

 Dinilat ko ang aking mga mata ngunit nagulat at napasigaw ako, dahil hindi lang pala ako ang tao rito. Mayroong isang lalaki na sa palagay ko ay kaedad ko lang. Tumingin siya sa akin kaya nakita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. Medyo magulo ang buhok niya ngunit hindi iyon hadlang sa kagwapuhan niya.

Mayroon siyang matangos ang ilong at mapula ang kaniyang labi ngunit mas kapansin-pansin ang kaniyang mga mata, maganda ang mga ito pero parang may lungkot na tinatago. may galit na kinikimkim. may luhang pinapatulo.

 Napansin ko rin na may benda sa bandang palapulsohan niya. Ano kayang nangyari roon? Hindi niya pinansin ang tili ko at binaling na lang ang atensiyon sa parang city lights na makikita rito sa rooftop.

 Hays, Kausapin ko kaya siya? Sige na nga, bahala na.

 "Uh, I'm sorry nga pala sa pagtili. Hindi ko kasi alam na may ibang tao pala akong kasama rito." Mahina kong sambit na alam ko namang rinig niya.

 Lumingon siya sa akin. Ganoon parin ang expression ng mukha niya, ni hindi manlang nagbago. blangko. Sungit.

 "I'm Stella by the way. how about you? what's your name?" Hindi ko maiwasang magtanong, medyo curious kasi ako sa kaniya.

 Hindi na naman siya sumagot. Binaling niya ulit ang atensiyon sa parang city lights dito.

 "Ahm, Ayos ka lang ba? Napansin ko kasi kanina yung mga mata mo at yung benda sa bandang palapulsohan mo." Sinubukan ko ulit kung sasagutin niya na ang tanong ko.

 "I guess, I am" He chuckled.

Wow! Ngayon lang siya sumagot, pero siguro may problema rin siya. Hindi man kami pareho ng problemang kinakaharap pero alam kong mabigat ito.

 "May problema ka ano! Gusto mo bang pag-usapan natin? Tanong ko sa kaniya habang pareho kaming nakaharap sa maliwanag na buwan at mga bituin.

 He looked at me and smile a little bit. Umiwas siya nang tingin at nagsimula na siyang magsalita.

 "Nakakapagod palang mabuhay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mawala lahat ng sakit at paghihirap na nararanasan ko ngayon" He uttered.

His eyes now shows emotion. You can see the pain and struggles by just looking at it. Nalulungkot ako para sa kaniya. I'm listening to him. Hinintay kong mailabas niya lahat ng gusto niyang sabihin. Gusto kong tulungan siyang lumaban sa buhay tulad na lamang ng paglaban ko sa sakit ko.

 "Aaminin ko, nakakapagod naman talaga pero mas marami ka naman kasing rason para magpahinga. Hindi mo naman kailangan sukuan ang isang bagay lalo na kung ito ay isang buhay. Kung mahirap at masakit na talaga, Nandito ako. Kaya kitang tulungan para mapagaan ang lahat ng pasakit mo. Hindi kita kakilala oo, pero pwede mo akong ituring na kaibigan mo ngayon para may sandalan ka sa oras na nahihirapan ka sa mga bagay-bagay." Ani ko

 Bumalik ang tingin niya sa akin, kita ko sa mata niya na nagpapasalamat siya. Siguro ngayon lang siya napakinggan sa buong buhay niya. Hayaan mo, narito ako, Handa akong makinig sa mga hinaing mo sa mundo. Binigyan ko siya nang ngiti at gano'n din naman ang ginawa niya.

 "Ayos lang bang itanong kung ano ang nangyari sa palapulsohan mo?" Medyo nahihiya kong tanong.

 Hindi siya sumagot. Jusme, masiyado na ata akong feeling close huhu! Masiyado na atang personal-

 "I tried to cut it" Kaswal na sagot niya kaya nawala ang mga bagay na iniisip ko nung hindi niya sinagot ang tanong ko.

 Pero puta? Bakit? Ayaw niya na bang mabuhay?

 Bumuntong hininga ako at hinawakan ang palapulsohan niya. Naramdaman kong natigilan siya pero wala akong pake! Gusto ko lang i-check kung malalim ba ang hiwa na ginawa niya sa sarili niya.

 "Huwag mona sanang uulitin 'to." Hindi ko maiwasang hindi magtaas ng boses.

Tumikhim ako nang mapagtanto na para akong nag-aalala sa kaniya. I mean, alam kong stranger siya pero kanina lang un, friend ko na siya kaya worried ako. Oo, tama! Friend ko siya! Kaya ako worried.

 Tumawa siya nang mahina. Tumingin ako sa kaniya na nanlilisik ang mga mata.

 "Oh, easy. Hindi ko maipapangako pero susubukan ko." Napatingin siya sa kamay ko, dahil hawak ko pa rin ang palapulsohan niya hanggang ngayon. Agad ko namang binitawan iyon. Namumula ang mukha ko ngayon dahil sa hiya buti na lang at gabi na hindi masiyadong halata ang pamumula nito. Nakita ko rin na napaiwas siya nang tingin.

 Nagkwentuhan kami nang nagkwentuhan hanggang sa napunta sa akin ang topic. Ayoko sanang sabihin pero kaibigan ko naman siya eh.

 "Ako? May sakit ako." Ngumiti ako sa kaniya.

Natigilan siya sa sinabi ko. Bakit? Ngayon lang ba siya nakakita ng magandang babaeng may sakit, hays? Hindi ko alam pero nakita ko ang kaba sa mga mata niya. Natatakot ba siya? Hindi naman dapat siya matakot, hindi naman ako mawawala. Hindi naman ata o hindi pa naman ata.

 "Sa katunayan, tumakas lang ako sa silid na dapat ay naka confine ako. Ayoko kasi roon, hindi maganda ang vibe haha. Pumunta ako rito sa rooftop para magpahangin at gusto ko bago ako maconfine nang tuluyan ay makita ko muna ung buwan at mga bituin. Malasap ko muna ung simoy ng hangin at masaksihan ko ang ganda ng city lights dito." Mahabang sabi ko.

 Nangingilid na ang mga luha ko at handa na itong magsibagsakan pero pinilit kong labanan, dahil dapat ay malakas ako. Kailangan positibo lang. Mabubuhay pa naman siguro ako. Makikita ko pa rin siguro ang ganda ng buwan at butuin kapag lumipas na ang isang taon.

 Tinignan ko siya, umiwas siya nang tingin na parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Huwag kang mag-alala. Hindi ako aalis hangga't hindi kita natutulungan at siyempre hangga't hindi ko pa nasasabi ang pahimakas ko sa mga mahal ko sa buhay kung sakaling magtagumpay nga ang sakit ko laban sa akin.
 
 Alpxs

Pahimakasحيث تعيش القصص. اكتشف الآن