46.

125 1 0
                                    

"Galit ka ba?" Mahina kong tanong kay Isaac ng umalis saglit si Ame para kausapin 'yong mga classmates niya na nakita namin.

It's already past 7, marami ng tao sa paligid. Halos mapuno na rin 'yong mga kainan at booths. Kitang-kita sa pwesto namin ang kabuuan ng expo dahil nasa burol kami malapit sa ilog. Nakaupo ako sa cardigan ko na nilatag ko kanina habang si Isaac ay nakasandal sa puno. Kanina pa siya nakasimangot at nakikipagbulungan kay Ame.

Close naman sila pero parang laging required na mag-aaway sila kapag magkasama.

"Hindi." He rolled his eyes.

Hindi daw galit.

I sighed and just observed Ame while talking animatedly with her friends. Maya-maya ay bumalik siya sa amin.

"Bebi, sama muna ako sa mga classmates ko. Chat na lang kita later." Mabilis niyang sabi.

Tumalikod na siya sa akin at lumapit kay Isaac, nagbulungan na naman sila. Pagkatapos ay tumayo ng maayos si Isaac para lumapit sa akin. Sinadya pa siyang itulak ni Ame gamit yong balikat niya pero mukhang di naman siya affected kasi ngumiti pa nga sa akin.

"Tara na, Khalee." Aniya.

Tinulungan niya akong tumayo at siya na ang kumuha nong cardigan ko. Pinagpagan niya iyon at isinabit sa balikat niya.

Umirap si Ame nang makita ang ginawa ng pinsan niya.

"Ingatan mo 'yan Isaac ha. Kakagatin kita kapag nawala 'yang si Khalee."

"Oo na, alis na dyan bilis."

They rolled their eyes at each other. Parang mga bata.

Kinabahan ako nong tuluyan ng mawala si Ame sa harap ko. Kami lang talaga dapat ni Isaac pupunta dito pero nakisabay si Ame dahil imimeet niya yong mga classmates niya.

I don't know what happened. Hindi ko alam kung anong nagbago but the moment he held my hand, my heart started beating so hard.

Pero hindi na dahil sa kaba.

CRUSH COURSE 101 (Phase 3)Where stories live. Discover now