Chapter 4

4 0 0
                                    


Nakatunganga lang ako habang nakadungaw sa bintana. Pinapakinggan ang mga iyak at nandudurog na boses ng aking mga kasama sa kwarto.

Walang ni isang salita ang lumabas sa aking bibig, na parang isang kahon na naka-selyon na kahit paano mong ipilit ay hindi mabubuksan.

"Rose... huli na ba ako?" basag na boses ang narinig ko galing kay Rio.

Hindi ko sya kayang tingnan, hindi ko sila kayang tingnan. Nandidiri ako sa sarili ko pero wala akong ibang paraan para mailigtas si lola. 

"Rose, anak, hahanap tayo ng paraan, makakalikom tayo ng pera, huwag mo lang ipagbili ang sarili mo" iyak na saad ng nanay ni Rio.

Oo, kahit makakahanap pa nang pera, problema din naman ang kasunod. Ayoko din silang mahirapan. Sobra na ang tulong na naibigay nila sa amin ni lola.

"Anak, hahanap tayo nang paraan." basag na rin ang boses ng tatay ni Rio. Humahagulhol sila ng iyak na tila ba wala nang bukas.

"Enough." Isang malamig na boses ang nagpatahimil sa iyak nila. Ang boses na kinatatakutan ko.

"Sir, hahanap kami nang paraan para maisauli ang pera niyo. Wag nyo lang kunin si Rose sa amin." Saad ng nanay ni Rio na syang nagpaiyak sa akin. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko na naririnig ang pagmamakaawa nila.

Nagulantang ako nang biglang may bumagsak. 

Si Rio...


"Gagawin ko ang lahat... pakiusap isasauli ko agad ang pera, gagawin ko ang lahat... w-wag... w-wag mo lang kunin si Rose.. Mahal ko siya.. mahal na mahal" saad ni Rio habang nakaluhod sa harap ni Mr. Marchetti pero kinwelyuhan niya lang si Rio at pilit na pinatayo.

"She's mine now!"

Kitang-kita ko sa mga mata niya na gustong-gusto niyang patayin si Rio. Naalala ko ang mga katagang sinabi niya kagabi kaya agad ko syang pinigilan.

Kahit anong tapik ko sa kamay niya, kahit ibinigay ko na ang buong lakas ko ay hindi niya binibitawan si Rio.

"Tama na!! Sasama ako sa'yo! Bitawan mo lang siya!"

kahit anong sigaw ko sa kanya ay hindi niya binibitawan si Rio, kahit na tinulungan na ako ng nanay at tatay niya.

"Do you love him?!" Nanlilisik ang mga mata niya na kumbaga ay isang leon na handang pumatay.

"Hindi!!! Hindi! kaya tumigil ka na! please tumigil ka na!" Niyakap ko sya at pilit na itinulak. Naramdaman kong kumalma naman sya at niyakap ako pabalik.

Iyak lang ako nang iyak sa mga bisig niya, takot na baka aatakihin na naman niya si Rio.

"Rose? please nagbibiro ka diba? Handa kong gawin ang lahat, Rose.. mahal kita..." Masakit pakinggan ang mga katagang isinasambit ni Rio Pero hangga't sa kaya ko ay iiwasan ko ang gulo. Bahala na.

Tiningnan ko Mr. Marchetti sa kanyang mga mata, tila nandidilim na naman ito dahil sa mga naririnig nya mula kay Rio.

"Kukunin ko lang ang mga gamit ko at aalis na tayo." dali dali kong kinuha ang cellphone at bag ko at hinila si Mr. Marchetti, pero bago pa ako makalabas ay ibinilin ko muna sa kanila ang pagbabantay kay lola.

Dali-dali kaming naglalakad patungo sa kotse niya dahil naiilang ako sa tingin ng mga tao sa paligid. Sino ba naman ang hindi titingin na pilit kong tinutulak habang naglalakad si Mr. Marchettio habang ako ay umiiyak.

"Fuck!"

Isang malakas na mura ang nanggaling sa kanya at bigla akong binuhat na para bang isang sako ng patatas.

"Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya

"Shut up or I'll fuck you in front of everybody!" Sigaw niya pabalik. Napauron ang dila ko dahil sa sinabi niya. Ayokong mangyari yon!

Tahimik lang ako hanggang sa nakaabot na kami ng parking lot. Iniisip niya talaga na para lang akong isang sako ng bigas dahil bigla nioya lang ako itinapon sa loob ng kotse niya!

"Putangina naman oo!" sigaw ko sa kanya nang makapasok na din siya sa sasakyan.

Kunot-noo niya akong tiningnan na para bang ako ang may kasalanan nang lahat!

"You!" Sigaw niya sa'kin pero mas tinaasan ko ang boses ko.

"BAKIT HA?!" Nanginginig kong sigaw. Akala niya siguro na porket binayaran niya lahat nga expenses sa hospital ay gagawin niya lang lahat ng gusto niya!

Kahit naiiyak na ako ay di ko tinatanggal ang mga titig ko sa kanya. Ayokong magpatalo!

Ilang segundoang nakalipas na nagkatitigan kami na parang pinapatay namin ang isa't-isa gamit ang aming mga mata. Kahit mangiyak-ngiyak na ako sa kakatitig sa kanya ay hindi ko parin binabawi ang titig ko sa kanya hanggang bumuntong-hininga siya at pinaandat ang sasakyan.

Hindi ko  alam kung ano ang nasa isip niya. Hindi na rin ako nagsalita dahil alam kong kayang-kaya niya akong patayin. Isa pa, tinulungan niya si lola. Wala akong karapatang magwala.

Walang umimik sa amin hanggang sa huminto kami sa harap nang isang napakalaking gusali. Dali-dali siyang bumaba ati marahas na binuksan ang pintuan sa tabi ko at hinila ko palabas at kinarga na para nanamang isang sako ng patatas.

"Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya at talagang inihagis ako sa isang sofa!

"Putang ina mo!" Sambit ko at bigla niya akong hinila at hinalikan na parang wala bang bukas!

Kahit anong gawin ko, hindi niya ako binibitawan. Nagpupumiglas na ako, sinasampal ko na siya, sinisikmura pero hindi parin niya ako binibitawan sa halik niya.

"Good morning, sir." Sambit ng isang lalaki at humiwalay na siya sa'kin. Pilit kong hinahabol ang aking hiniga dahil sa tagal ng pagkakahalik niya sa'kin. Nang kumalma na ang hininga ko ay hinila ko siya at sinuntok sa mukha.

"Tang ina mo!" Sigaw ko. Sa galit ko hindi ko namalayan na meron palang mga tao sa paligid.

Wala man lang silang ginawa! Tiningnan lang nil aako na halos gahasain ng demonyong ito! Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Galit? Hiya? 

Pero tumawa lang siya ng malakas na para bang wala nang bukas. Hinawakan niya ang kanyang mga labi na may mga bakas ng dugo. Para bang nandilim ang kanyang mga mata nang mapagtanto ang nangyari.

"Everyone, meet my wife-to-be", sabi niya sa mga tao sa paligid. "Please assist her on choosing the best gown for our wedding day. I want her to look gorgeous, splendid!", dagdag niya. Binalik niya ang kanyang mga titig sa akin na para bang isa akong daga na wala nang matatakbuhan.

Dalawang hakbang lang ang ginawa niya pero parang napako na ako sa kinatatayuan ko.  

"You'll pay for your life for that."






****************************************************************************

A/N: Still trying my best to write despite the struggles with my depression.  I hope someone will read this. Thank you.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ruthless YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon