18

16 0 0
                                    

Heavy

Nagmamadali ako sa paglalakad papunta sa school. Sabay kasi kami ni Shane papunta sa Estrella kung saan namin gaganapin ang immersion. May mga programa at activities kaming hinanda para sa kanila.

Bawat araw ay iba't ibang activities kami. Naka-assign din kami para lahat ng activities ay madaanan namin. Mayroon kaming tree-planting, feeding program, story telling, human rights discussion at iba pa.

Tumunog ang cellphone ko dahil sa chat ni Shane.

Shane:

wer r u
dito na ako
mamaya na ang umaatikabong na laplapan

Maloi:

eto na matatapos na

Shane:

GAGA
ginagawa mo talaga?

Maloi:

eto na nga matatapos na
sendan kita pic

Shane:

kadiri
di ka na naawa

Maloi:

bakit may problema ba kung makipagkiss

Shane:

oo
inggit aq

Maloi:

madami diyan pwede
ayaw mo ba kay Rheon?

Shane:

yuck

Maloi:

yuck ka dyan baka yun pa mapangasawa mo

Tumawa ako sa biruan namin. Hindi ko namalayan na papapaliko na pala ako sa gate. Inikot ko ang tingin sa paligid, umaasang makikita si Andrei. Bihira kasi kami magkita ngayong linggo.

Mukhang malabong makita siya dahil halos wala ng tao sa labas ng mga classroom bukod sa mga papasok pa lang.

Maloi:

san ka banda

Shane:

harap ng building natin

Doon ako dumiretso.

"Tara na! Naghihintay na sila. Anong oras na!" salubong niya kaagad sa akin.

"8:05."

"Sasagot pa talaga." Ikinawit niya ang braso niya sa akin. "Tara na!"

Papalabas na kami ng gate ng makasalubong namin si Mason. Hindi ko alam kung babatiin ko siya dahil hindi naman kami close. Si Shane din.

"Late na naman," bulong ni Shane.

"Ha? Sino?"

Lalagpasan ko na sana siya nang tumigil siya sa harap namin. Inaayos ni Shane ang kapit sa braso ko. Pansin kong humigpit iyon.

"Good morning. Saan kayo pupunta?"

Hindi ko alam kung ganoon ba talaga ang hitsura niya ay pero he always looks smug.

Mukhang walang balak sumagot si Shane kaya ako na lang ang nagsalita. Sabagay, hindi naman sila close.

"Sa Estrella, doon ang immersion namin. Ikaw?"

"Papasok pa lang." Tumango siya. "Alam ba ni Andrei?"

Sasagot na sana ako kaya lang inunahan na ako ni Shane. "Kung hindi, para naman 'yun sa pag-aaral niya?"

Whether Whatever WeatherWhere stories live. Discover now