PROLOGUE

6 1 0
                                    

"Never again"

"ugh, I would never ride that ferris wheel again." Sabi ko habang nahihilo pa dahil kakababa lang namin sa ferris wheel.

Nasa isang amusement park kami, nag-aya ng gala si ate leila dahil miss n'ya na raw kami. Well, ngayon nalang naman ulit kami nag bonding since sobrang busy din namin sa studies. Na-badtrip din ako dahil ayoko talaga sa mga gan'yang rides dahil may lula ako, pero dahil nagpumilit sila pinag bigyan ko na dahil minsan nga lang kami mag sama sama.

"Chill girl, ang saya kaya no'n." Sabi ni ate leila habang naka ngisi dahil matagumpay n'ya akong napilit sumakay sa ferris wheel.

"We should do this more often!" Sabi naman ni ate jassy.

"No way"

Pagkatapos namin mag saya at mag asaran sa rides, napag isipan naming kumain.

"Sa'n n'yo trip kumain?" Tanong ni ate leila.

"SA FAVORITE NATIN!" excited naman na sagot ni ate jassy.

"Mang-inasal..." Matamlay na sabi ni sierra.

Kanina pa 'to matamlay ah? Anong meron? Baka napagod lang sa rides kanina, nagugutom na ata.

Nag-hanap kami ng malapit na mang-inasal.

"AYUN!" may nakitang malapit na mang-inasal si jassy.

"Hanap na kayo ng table, ako na mag o-order" sabi ni ate leila.

"Samahan na kita" sinamahan ni sierra si ate leila.

Usually talaga si ate leila ang nag oorder, at si sierra naman mag babayad. Kaming dalawa ni jassy, chill lang. Pero pa-minsan minsan naman kami ni jassy ang nanlilibre sakanila.

Maya maya pa ay dumating na sila ate leila na may dalang foods.

"Oh s'ya kumain na tayo" salubong ni ate lei.

Habang kumakain, kanina ko pa napapansin na matamlay 'tong si sierra.

"Okay ka lang sierra?" Nag aalalang tanong ko.

"Ha?"

"Okay ka lang ba raw? Kanina kapa tahimik eh" inulit ni jassy 'yong tanong.

"Ahh, Oo may naalala lang."

"Ano?" Napakulot 'yung noo ko sa pagka curious ko sa iniisip n'ya.

Huminga ng malalim si sierra bago nag salita kaya nag alala ako, ano kaya iniisip neto?  "Naalala n'yo pa ba 'yung time na nasa rp pa tayo? Naalala n'yo ba 'yong mga magkakaibigan na nakilala natin?" Tanong n'ya. Napatigil ako saglit sa pag kain.

I miss them. Babalik pa ba sila? Sana.

Never again Where stories live. Discover now