Chapter 4

33 5 4
                                    



"Huh? Pa'no?"

"Mabilis daw kasing magpalit. 'Yun ang sabi nila."

Hindi ako nakasagot kay Mikan. 

Weird, hindi ko naman 'to dapat ma feel. Lalayuan ko nalang siguro siya.

"H'wag ka nang mag isip ng kung ano. Halika na, uwi na tayo. 11 o'clock na."

Oo nga pala, half day lang kami dahil malapit na ang exams namin. Next week na agad.

Tumayo siya at kinuha 'yung bag niya saka 'yun sinabit sa balikat niya kaya gano'n na rin ang ginawa ko.

Naghiwalay na kami pag baba sa first floor.

"Una ka na, pupunta lang ako sa library." pagpa paalam ko kay Mikan.

"Sige, loveyou bro."

"Ingat ka ah, bye."


Pagdating ko sa library, kumuha ako ng libro about History saka umupo sa lapag at sumandal sa bookshelves saka ako nagbasa.

Nakalahati ko palang 'yung libro nang 'di ko namalayan na nakatulog ako.


"Please let me go!"

"Let her go, don't touch her!"


Agad kong hinabol ang hininga ko nang magising ako.

What was that? 

Is that just a nightmare or what?

Tinabi ko na 'yung libro sa bookshelf at lumabas saka pumunta sa parking.

Tinignan ko 'yung wrist watch ko. Quarter to 12 na.

Pagdating ko sa parking ay nag i intay na roon ang driver ko.

"Kuya Dan sorry po pinaghintay ko po kayo, pumunta pa po kasi ako sa liibrary eh." bungad ko kay Kuya pagsakay ko ng kotse.

"Ayos lang po, sinabihan nga po ako ni Mam Mikan."

"Kuya pwede daan po muna tayo sa Ciel Cafe? Bibili lang po ako."

"Sige po, Mam."

Nang makarating sa Ciel Cafe ay sinabihan ko si Kuya Dan na hindi ako magtatagal.

Naka order na 'ko ng Matcha Latte kaya naupo muna ako habang inaantay 'yung order ko.

Iniisip ko parin 'yung nangyari kanina sa library, sa hindi ko malaman na dahilan, napalingon ako sa kung saan.

Nakita ko si Clavis, nag r rubics cube na parang walang pakielam sa nangyayari sa paligid niya habang 'yung mga kasama niya ay nag k kwentuhan habang nagta tawanan.


Nagulat pa 'ko nung nag angat siya ng tingin kaya nag eye contact kami habang tinatanggal niya 'yung specs niya.

"Caelum!!" napatingin ako sa kasama niya na tumawag sa'kin habang kumakaway. 

Si Kuya Felix pala, a friend of my brother.

Lumapit ako para batiin siya.

"Hey, Kuya. Kailan ka pa nakauwi?"

"Kahapon lang." tumayo siya at kumuha ng upuan saka 'yun tinuro para paupuin ako kaya 'yun ang ginawa ko. 

Sa tabi ni Clavis, ano ba 'yan? Sabi ko pa naman kanina lang eh lalayuan ko na.

"Daya ah, 'di ako ininform tas 'di rin agad ako pinuntahan. Kung hindi  pa tayo nagkita ngayon eh hindi ko malalaman na nakauwi ka na."

Tinawanan ako, ang galing.

"Pupuntahan naman talaga dapat kita ngayon, kaso itong mga 'to" tinuro niya 'yung apat na nakikinig pala sa amin. "Pinilit akong magpunta rito sa Cafe ni Clavis, kaya ayon."

Huh? Siya may ari nito? For real? Ang tagal ko nang pinupuntahan 'to, ba't parang ngayon ko lang siya nakita rito?

"Pinag bigyan ko na sila lalo na birthday ngayon ni Clavis."

"Oo birthday niya ngayon, punta ka raw mamaya sa party niya ah." sabi ni Kaien habang nagta tawanan sila ni Damien at nakatingin kay Clavis.

Si Rhodes naman eh naguguluhan 'yung mukha. Akala ba niya girlfriend talaga ako ng kaibigan niya?

"Wait, magkaka kilala kayo?" tanong sa'min ni Kuya Felix

Ako na ang sumagot sa kaniya. "Well, sort of."

"Eh 'yun naman pala eh, sumama ka na mamaya sa party.

"Baka kasi hindi ako pwede eh."

"Ako bahala, ipapa alam kita sa Kuya Caeden mo."

"Uh sige, try ko."

Nagpaalam na 'ko sa kanila dahil tinawag na ang name ko sa counter.

Saka ako lumabas ng Cafe at sumakay sa kotse.




ALPASWhere stories live. Discover now