CHAPTER 39

8.3K 239 31
                                    





Hello sa mga nagco-comment at nagsasabi na ilipat ko na lang sa dreame ang mga nasa patreon at vip group ito po yung sagot ko. Hindi po yon mangyayari. Bakit? Sa dreame po ang 100 php na purchased coins niyo 7 to 10 pesos lang ang sa writer doon the rest sa company na.




Same lang din naman po ang mangyayari, pina-plug ko din naman sa mga social media at mababasa niyo din sa patreon and vip group. So hindi na po ako magpapasok ng kahit na anong story sa dreame dahil para sa akin sobrang lugi po talaga ng writer. Yon lang thank you!










"No need to worry about me Mom, okay na talaga ako." Sabi ni Nicollo habang palabas sila ng ospital, nakaupo kase siya sa wheelchair na ayaw naman niyang upuan kanina dahil kaya naman na niyang maglakad pero wala siyang nagawa ng magtulong ang Mommy Sienna niya at girlfriend niyang si Thalia na paupuin dito. Mas mabuti daw na maupo siya sa wheelchair para hindi magalaw ang mga benda sa katawan niya at hindi siya mabinat.


"Tumigil ka diyan Nicollo at wag ka ng magreklamo, tsaka bumili din ang Ate Miracle mo ng ganyan para may magamit ka sa bahay." Sabi ni Sienna, sakay na sila ng elevator sa loob ng ospital at pababa na. Siya, si Thalia at asawang si Eros ang kasama niya. Nicollo stayed here in the hospital for six days, at ang anim na araw na pananatili ng anak nila dito ay nagkaroon na ng magandang balita dahil nahuli na ang prime suspect sa nangyaring ambush sa anak nila. At ang balita na 'yon ay naging pinaka malaki sa probinsiya ng San Juaquin dahil pati ang mga huling insidente na ambush sa kanilang lugar ay inugnay dito. And Sienna knew that her husband Eros was behind of this, hindi talaga papayag ang asawa niya na hindi mahuli ang suspect.


"Dad.." Parang paghingi ng saklolo ng binata sa ama.


Nagkibit balikat naman si Eros dahil alam niyang hindi siya makaka-kontra ngayon dahil sa asawa niya. "Makinig ka na lang sa Mommy mo Nicollo, tsaka tama lang naman 'yan para hindi magalaw ang sugat mo, diba baby.." He even look to his wife and smile at her, ganito dapat para good shots siya sa asawa. So he can have a reward tonight from her, in bed.


Napasimangot na lang si Nicollo habang naririnig niya ang pagtawa ni Thalia na nasa tabi niya, ayaw niya lang kase na makita siya ng media at ng mga tao na naka wheelchair dahil parang ang laking kawalan 'yon sa pagkalalaki niya. Beside he's very well now, oo naka benda pa ang mga sugat niya pero ayos na ang pakiramdam niya. 


"Hayaan mo na guwapo ka pa din naman kahit nakaupo ka diyan." Bulong ko kay Nicollo na hindi maipinta ang mukha. Ang cute niya mainis kapag kasama ang parents niya 'yong tipong wala siyang magawa. 


Pero narinig naman 'yon ni Eros na siyang may tulak sa wheelchair ng binata. "Mas guwapo pa din ang Daddy niyan Thalia, sa akin nagmana 'yan eh." Biro niya dito.


"Daddy!" Lalong nainis si Nicollo, napakagaling talaga mang-asar ng Daddy niya. 


Ilang sandali pa ay nakababa na sila sa ground floor ng ospital at doon na nga sila sinalubong ng mga bodyguards ni Eros, unang nakalabas noong isang araw ang bodyguards nilang si Raul at nahuli lang itong si Nicollo ng dalawang araw. Jacinto family was greeted of the nurses and doctors on the hospital, isa kase ang ospital na ito na naipatayo ni Eros noong gobernador pa siya na hanggang ngayon ay fully fuctional pa din at kumpleto sa lahat ng kagamitan kaya hindi na kailangan pang lumabas ng mga tao dito sa Caspir at magpunta sa ibang bayan. 


"Dad no interview right." Baling ni Nicollo sa ama niyang nasa likod niya habang naglalakad sila palabas ng ospital, nakita na niya kase ang dami ng tao sa labas na ilan dito ay mga supporters niya. Ayaw niya munang magsalita sa insidenteng nangyari sa kanya at gagawin na lang niya 'yon pagkabalik niya sa munisipyo. Isa pa nagbigay na siya ng interview noong nakaraang araw kaya para sa kanya ay ayos na 'yon. 


"I know anak, nasabihan ko na ang mga tauhan natin." Sabi naman ni Eros na ang tingin ay nasa kumpol ng mga tao na nasa labas. Ang mga tauhan niya sa ay nasa magkabilaang gilid nila na hinahawi ang mga tao na naroon. Pero isang lalaki na nasa gitna ang tumakaw sa atensyon ni Eros. 


"No, no no!!" Eros raised his hands as he never leave his sight on the man who are holding a gun and pointing on their directions. Walang iba kung hindi si Danilo Rodriguez.


"Katapusan na ng anak mo Eros Jacinto." Malakas na sabi ng lalake at bago pa maagaw ng mga naroon ang hawak nitong baril ay naputok na nito 'yon hindi lang isa, kung hindi tatlong beses na magkakasunod. 


And Eros did what should parent do to protect his child. Itinulak niya pakaliwa ang wheelchair kung nasaan ang anak niya.


"Dad!!"


"E-Eros!!"

"Tito Eros!!"

All of the people there was shocked when the guy shoot Eros three times. Dahang-dahang bumagsak si Eros sa sahig dahil nagawa niyang saluhin ang bala na para dapat sa anak niya. 


Ang mga sigawan, pagtawag sa pangalan niya at malabo na pag-aninag ni Eros sa asawang si Sienna na tumakbo palapit sa kanya ang huli niyang nakita bago tuluyang pumikit ang kanyang mga mata.


And no one knew that this will be the last time they will see the former governor of San Juaquin.




#maribelatentastories

The governor's sonWhere stories live. Discover now