Last status for tonight. Bagsak na sila, mga mars
Magpapasuyo na lang ako sa mga waiter na alalayan sila sa kotse ni Sir Rence
Buti walang dalang motor si Sir Roms, di ko alam pano iuuwi yung mga gamit nila
Uhmmmm di ko alam saan tatapusin to haha
Nagconfess silang dalawa na gusto daw nila ko pero di ako sure kung gusto nila ko na jojowain o totropahin, basta gusto lang
Pero sabi ni Sir Rence, pag kanya na, kanya na. Medj territorial si boss wafu sa part na yon
Ang say naman ni Sir Roms, walang kay Sir Rence lol. BUT WAIT! There's more.
Parang pinagalitan ni Sir Roms si Sir Rence, lasing na sila nito mga mars. As in sinok na nang sinok si Sir Roms saka di na nya alam kung sino na kinakausap nya sa harapan
Basta sabi lang nya kay Sir Rence, tigil na raw si sir sa... parang pag-impose ng mga rule sa di naman niya sakop. "Not limited to Midnight" verbatim
Saka sabi pa ni Sir Roms, di naman daw silang dalawa ang options ko kasi di naman daw sila sure kung walang nanliligaw sa'kin sa labas. Wag daw mag-assume si Sir Rence na need ko mamili sa kanilang dalawa. Gusto lang nila ko, but that doesn't mean na required akong sagutin ang kahit sino sa kanilang dalawa tonight or any time soon. Stop na raw sya sa pagbibigay ng choices sa mga nagugustuhan or mahal nya sa buhay kasi baka raw lalo syang masaktan pag sa dalawang choice, wala pa sya either of those two.
Ako, for someone na nakainom, that was deep. For someone na nakainom at may specific agenda sa pagpunta dun sa place na yun, ang broad ng understanding mo kung naisip mo pa yung general view over your self-perspective. Ang sarap makinig kay Sir Roms kapag pinagagalitan nya si Sir Rence haha
Yun lang, mas lasing lang si Sir Roms lol
Problema ko naman ngayon kung paano sila ipapasok sa mga bahay nila.
YOU ARE READING
Midnight's Unslept Hours
Short StoryMay bagong trabaho si Midnight: ang maging assistant ni Laurence Sequera. At bilang dakilang Marites, handa siyang suungin ang lahat para lang makapag-update ng tsaa sa kanyang nasasakupan. Pero hanggang saan nga ba aabot ang kanyang mga chika kung...