SINGSING

7 0 1
                                    

8:26 PM

Tinignan ko ang aking relo para tignan ang oras.

Halos 30 minutes na siyang late. Sa isip-isp ko.

Hindi ako mapakali dahil sa mga isiping pumapasok sa utak ko.

Kanina pa ako nakaupo rito.

Mag-isa sa gitna ng napakaraming tao.

Nakakapanghina ang tingin ng mga tao sakin. Para bang kinakaawan nila.

Marahil ay napansin din nila ang ilang ulit kong pagtingin sa orasan at pagtanggi sa alok na pagkuha ng order ng waiter na mukhang naaawa na rin sa lagay ko.

Alam kong hindi naging maayos ang mga nakaraang araw para sa aming dalawa pero sana ay makapunta siya ngayon.

8:30 PM

Nawawalan na ako ng pag-asa ngunit biglang umalingawngaw ang ingay ng wind chimes sa pinto na senyales na may papasok na tao sa restaurant.

Agad kong inangat ang aking paningin. Nakatutok sa gawi ng pinto ngunit nadismaya agad ng hindi siya ang aking masilayan.

Nakakapanghina. Nakakapanlumo.

Nakakapagod maghintay.

Kailan kaya siya dadating? Tanong ko sa sarili ng biglang bumukas muli ang pinto at iniluwal siya.

Ang babaeng kanina ko pa hinihintay.

Kakaiba ang kanyang ekspresyon. Hindi ito tulad ng ekspresyon niya dati tuwing makikita ako.

Parang may nag-iba

Iba ang pakiramdam ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa singsing na nasa aking bulsa.

"Kumusta? Ayos ka lang ba? Upo ka muna" Agad na pag-asikaso ko sa kanya.

Halatang may kakaiba pero pinilit kong iwaksi ang mga naiisip ko upang kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

Matagal ko man siyang hinintay, at least dumating siya.

"Oorder na ako" Sabi ko.

Kakaiba.

Kakaiba ang awra at ang sensasyong bumabalot sa akin. Napakabigat.

Ako na ang um-order dahil kanina pa siya hindi nagsasalita. Hindi ko mahiwatigan kung anong meron.

Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano.

Hindi naman siya ganito.

Siya ang pinakamaingay at pinakamadaldal na babaeng nakilala ko kaya nakakapanibago ito.

Parang hindi siya ang nasa harapan ko.

Hindi man ako naniniwala sa mga aswang o multo, pero baka Doppelganger itong nasa harapan ko.

Hindi ko mahiwatigan ang kanyang mga kilos.

Hindi ko mawari ang kanyang mga ekspresyon.

Naguguluhan ako.

Pero kahit na ganun, pinilit ko pa ring ngumiti sa kanyang sa tuwing mapapatingin siya sakin.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga pagkain.

"Kain na muna tayo" Sabi ko dahil mukhang mas magandang mag-usap kapag tapos na ang pagkain.

Habang kumakain, tinitignan ko siya.

Sinusubukan kong tansyahin ang mga kilos niya.

Tinitignan kung anong kakaiba at kung anong maaaring ibig sabihin ng mga ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LUNA: An Anthology Where stories live. Discover now