Chapter 07

288 12 12
                                    


"Babi! May chicken ang ate!" salubong ko kay Esma nang makauwi galing school.

Bungisngis niya ang bumungad sa akin nang bumukas ang pintuan. "Akin na!" she cried out giddily.

Mabilis niyang kinuha sa kamay ko ang pagkain bago nagtatalon-talong tumungo ng kusina. Nakita ko naman doon si Jed na inaasikaso ang hapagkainan namin.

I smiled. Nagpalit muna ako ng damit bago naglinis ng bahay. Tinulungan ko si Jed na ihanda ang lamesa para sa hapunan namin. That jolly meal we had ended with my little sister's sarcastic wits and Jed's heartily laughters.

"Alis na ako, Jed! Tumawag 'pag may nangyari, ha? Bye!"

"Uwi ka nang maaga, ate. Ingat!"

I took on my duty in the station with so much workloads in hand. Iilan ding delivery transaction ang nakompleto ko kaya pagod ako nang matapos. Nagkasabay pa kami ni Mirana nang patungong intersection at sabay naman sina Ella at Kuya Noel.

Nakauwi na ako bago pa maghatinggabi dahil mas maaga kaming pinauwi ngayon. Mas mabuti na rin kaya 'yon. Makakabawi ako sa tulog ko.

The night deepened and as I am lying on my back here, I stared blankly on our stale ceiling. Rinig ko ang bawat tambol ng puso. The cricket noises around reigned through my ears.

I let out a heavy sigh being worn out today like my usual days.

Sa pagsasabay-sabay ng mga gagampaning papel ko araw-araw, nasanay na akong bawat oras may ginagawa.

Perhaps if I hadn't decided to have extra in school, I wouldn't be able to suffice my daily expenses as student alone. Walang pamasahe, pambayad sa mga printings, hangin pa ang tiyan.

Mahihirapan ako dahil ang sahod sa pagiging deliveryman ay sapat lang para sa aming konsumo, bill sa kuryente, bayarin sa pag-aaral ni Jed at iba pang maliliit na gastusin sa bahay. There were a lot more consideration than a 21-year old woman could think about.

Magaan lang naman sana talaga ito, kung sana . . . hindi umalis si mama. Kung sana . . . hindi kami tinalikuran ni mama. Apparently, much like how my father turned his back on us, she left me all alone with these burdens.

Napatingin ako sa dalawa na parehong humihilik. Sa katunayan, half-siblings ko lang sila. Nagloko si papa noon at sumakabilang-bahay. Graduate ako ng elementary nang nagbilin ang ama ko ng bata sa amin na anak niya pala sa kanyang kabit.

And that's when my mother also left me. Tatak sa isipan niya na hinding-hindi na ulit magkakaroon ng anumang koneksyon kay papa. Sinusumpa niya ang dugo ng manloloko. And she came to despise me too as if I was part of the scheme.

Then when I reached senior highschool, Esma came. Anak ni mama sa ibang lalaki. She did what my father did and my load became more heavier to carry because of it.

Kaya sa huli, dinadala ko pa rin ang mabigat na pasanin mula sa kanilang kagagawan.

I kissed the foreheads of the only family I have and whispered sweet nothings to them before I finally welcomed my slumber after a long tiring day.

"Landi-landi mo! Um-attend lang akong meeting ng org namin ta's pagbalik ko, nag-nature moment na kayo!" hirit ni Hiruki nang tinabihan ko siya.

"Malisyosa ka talaga, ni hindi mo nga alam kung ba't kami nagkikita!" Pati ako hindi ko sigurado kung tungkol lang ba sa pinapagawa niya.

"Bukod sa pagsusulat ng story niyo, wala na akong ibang maisip na reason," she teased with a grin.

I matched it up, but in sarcastic manner. "May pinagagawa lang 'yong tao, ikaw kung ano-ano na agad pinagpuputak ng tuka mo d'yan. Dati ka bang manok, ha?"

Drives Under NightlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon