Chapter Thirty

5.4K 98 17
                                    

I confessed that I'm jealous.

I confessed that i really really like him.

I can't leave him.

He confessed to me that he really liked me too.

Pero hanggang saan?

Because of arrange marriage, we're here falling in each other's arms.

Even if the wedding is cancelled, Gavin tried to make me happy as time goes by. He confessed to me, at ngayon pinapakita niyang totoo talaga siya. He buy me flowers every weekend. He buy me ice cream when i felt sad. He gave me a lot of kisses when I'm nagtatampo.

"Kahit toyoin ka diyan, ayos lang. Susuyuin kita palagi, huwag mo lang akong iwan."

"Bakit ka galit? Pag-usapan natin 'to. Saan ka ba nagagalit para maayos ko?"

Every words he's sayin, i fell more. My heart is melting everytime when he's trying to comfort me.

Month had passed, simula iyong mga nangyari. Gavin and i talk to my parents. Sigurado na talaga si Daddy na ipunta ako sa Spain. But no, i can't leave Gavin here. Napamahal na ako sa kanya.

For the first time, i saw Gavin begged. He begged to my Father. He kneeled in front of my Father. I saw his tears while begging.

"Mamahalin ko ang anak niyo, huwag niyo naman siyang ilayo sa akin." He begged.

I just watching him while my tears fell down to my cheeks.

"Kaya ko naman siyang buhayin e. Engineer ako, Sir oh! Magpapatayo ako ng sarili naming bahay. Bubuo kami ng pamilya, hindi niyo na siya kailangang dalhin sa ibang bansa."

Nasasaktan akong makitang ganito si Gavin. Parang dumagdag pa ako sa kanyang problema.

"Huwag niyo naman siyang ilayo sa akin oh, pahinga ko 'yan e."

"Hinding-hindi ko sasaktan ang bunso niyo, Sir. Ipapangako 'kong hindi niya iyon mararanasan sa akin."

I begged to my Father too. Sigurado na talaga ako kay Gavin. Hindi ko siya kayang iwan. Ako iyong naging sandalan niya noong mga araw na kailangan niya ng kasama.

Kakainin ko rin pala mismo iyong sinabi ko noon. I hate Engineers, pero ngayon i was wrong...mahal ko na siya ngayon. Sa tagal ng pagsasama namin ang akala ko ay kilala ko na talaga si Gavin, pero hindi, mali ako.

Iba magalit si Gavin. Pero kahit anong galit ni Gavin hindi niya ako pinagbuhatan. Imbis na pagalitan at saktan ako ni Gavin... lalapitan niya ako at sasalubungin ng mahigpit na yakap.

"Ayaw kitang saktan, Colleen. Dahil kapag sinaktan kita mas nasasaktan ako."

Kahit ako yung may kasalanan at sumusobra na ako ay iniintindi niya lang ako. Siya pa iyong magsosorry kahit ako ang may kasalanan.

"May nagawa ba ako? Bakit ka nagagalit? Sabihin mo para naman alam ko. Hindi iyong bigla-bigla ka nalang nagagalit sa akin."

Toyo. Suyo. Toyo. Suyo. Ganon nalang palagi ang mga nangyayari. I was testing him, kung sigurado ba talaga siya sa akin. Kasi ako, siguradong sigurado.

Gavin is courting me now. Magkasama parin kami sa kanyang condo. Hindi man tuloy ang wedding ay masaya parin ako kasi kasama ko si Gavin. Ang mga kaibigan niya ay alam narin ang tungkol sa amin. Ganon din ang mga kaibigan ko.

"Ayan ang sinasabi ko! The more you hate the more you love!" Si Waze.

"Gago! Wala ka namang sinabing ganyan!" Si Engineer Lavier.

"Ay? Wala ba? Ngayon ko lang nasabi kung ganon?" Ani ni Waze.

Nagsitawanan naman sila at nailing nalang ako. We're here sa Pasig para tignan ang building kung maayos lang ba at kung kulang ba sa kagamitan. At dahil nga mapilit sila Waze ay sumama sila sa amin.

"Pasabi sabi kapa ng maarte diyan, Sandoval ah!" Singhal ni Waze kay Gavin. "Sa pinsan ko lang din naman ang bagsak mo! Tse!"

Napahagalpak ako sa tawa.

"Stop fucking laughing, Bunny!" Gavin voice roared.

Instead of shutting up, mas napahagalpak ako ng tawa. Seryosong tumitig siya.

"Maarte, huh?" I murmured and laughed again.

"Insan? Normal kapa ba?" Ani ni Waze roon na nakapahalumbaba sa may harapan ko.

"Oo naman! Ikaw ang hindi normal e!" I exclaimed and pointed him. "Nirereto mo ako sa isang kaibigan niyo!"

Ang ngisi nito ay unti-unting naging hilaw ng sumulyap kay Gavin sa tabi ko.

"Yari ka, Waze." Engineer Lavier whistled.

"You what?" Mariing sabi ni Gavin sa tabi ko.

"H-ha?" Waze blinked and i chuckled on how these best friends look so adorable!

"Nirereto naman pala sa iba itong si Colleen, eh!" Engineer Lavier laughed.

"Putang--" Tumayo si Gavin at akmang sasapukin si Waze kaya mabilis ko siyang hinila paupo.

"Hayaan mo na! Matagal na 'yon!" I exclaimed.

"Matagal na iyon, Gav! Hate niyo pa ang isat-isa. Nirereto ko kay Valdez e, kaso masyadong maganda raw itong pinsan ko kaya tumanggi." Paliwanag ni Waze.

"Gago --"

"Matagal na iyon, Gavin!" Nanlaki ang mata ko nang makitang iritado talaga siya.

Gavin groaned and closed his eyes tightly. I saw his jaw clenched and i rolled my eyes and smirked.

"You know, My Hottie Patotie Engineer..." I started.

"Potangina?" Waze murmured. "Anong tawag mo, Insan?"

"Huh?" Napasulyap ako sa magkakaibigan at sumulyap kay Gavin na nakapikit lang doon at kunot ang noo.

"You called him what?" Engineer Lavier asked.

"My Hottie Patotie Engi--"

"Shut up, Bunny." Reklamo ni Gavin at sinamaan ako ng tingin pero ngumisi lang ako.

I pulled his head down, ibinagsak niya ang ulo sa balikat ko at napatawa nalang ako nang ipaling niya ang ulo at sumiksik sa aking leeg.

"Ulitin mo nga, Insan." Ani ni Waze roon na malaki ang ngisi.

"He's my Hottie Patotie Engineer, you know?" I said.

They bursted out laughing, napatawa rin ako roon at si Gavin ay nagmumura lang sa leeg ko.

"Tangina, Hottie Patotie Engineer ang hayop." Waze laughed.

"Gago!" Biglang nag-angat ng tingin si Gavin at nagmura.

"Umalis na nga kayo! Dapat kasi bebetime ito eh!" Singhal ulit ni Gavin.

Tumawa lang ang dalawa with matching hawak pa sa tiyan.

"Mamaya na, Hottie Patotie --"

Hindi na natapos ni Waze ang sasabihin ng ibato sa kanya ni Gavin ang bottle na walang laman. Kaagad namang nasalo iyon ni Waze at mas lalong inasar pa si Gavin.

Natigil lang sila nang pumasok ang isang trabahador.

"Engineer, hinahanap ka po ni Ms. Leah, nasa labas po siya."

Natikom ko ang bibig ko at tumingin kay Gavin.

"Just a minute," Aniya at mabilis na tumayo para iwanan kami.

"Ano naman kayang kailangan ng babaeng 'yon." Kunot noong sabi Engineer Lavier at pinagkrus ang braso.

Hindi ko alam kung ano na naman ang kailangan niya kay Gavin. Pansin ko nitong mga nakaraang araw ay madalas na ang pag-uusap nilang dalawa. Ayaw ko namang magtanong dahil gusto 'kong kusang sabihin sa akin iyon ni Gavin. Pero pakiramdam ko ay wala siyang balak magsabi.

Marry Me, Engineer Where stories live. Discover now