KaizerDePogi: At dahil gwapo ako, lahat ng mga chikababes sa mundo ay nagmamakaawa na ligawan ko sila.
AndreaTomboy: Huh? Ano pinambayad mo sa kanila? Saging? Tutal, marami ka naman nun.
KaizerDePogi: Wengya! Hindi ako ganyan tomboy! Gusto mo patunayan ko?
AndreaTomboy: Patunayan mo sa mukha ng mga kalahi mong unggoy.
H-hoy! Para san yang gitara? Ipupukpok mo ba sa akin? Tch, alam ko na nga bang unggoy ka tala-
KaizerDePogi: Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano, ikaw parin ang gusto ko.
AndreaTomboy: Tumahimik ka nga! Unang linya palang, nasusuka na ako sa boses mo.
KaizerDePogi: Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa't, nasusugatan mo.
AndreaTomboy: Mukha ba akong basagulero sa iyo?!
KaizerDePogi: Ikaw parin walang iba, ang gusto kong makasama.
AndreaTomboy: A-ang daming tao! N-nakakahiya k-ka na!
KaizerDePogi: Walang iba...
AndreaTomboy: H-huwag mo nga akong t-titigan, u-unggoy...
KaizerDePogi: So Andrea, sapat na ba yun? *smirk
----------
Kyaaaaaaaaaaa bagay na bagay talaga sa kanila ang kanta na ito ≥﹏≤ fangirl overload
Thank you po pala sa pagbabasa (๑-﹏-๑)