Chapter 16

482 19 13
                                    

Trigger warning : suicide/self-harm/sensitive topics.

A/N : Please be advised that this chapter contains sensitive topics that might trigger someone's emotion. Read at your own risk.

Nanginginig akong lumabas sa apartment ko dala dala lamang ang aking maliit na bag kung saan cellphone at wallet lang ang laman. Hindi ako halos makahinga nang narating ko ang sakayan ng barko. Matatagalan ako bago makarating saamin. Kailangan kong mag antay ng isang araw mahigit.

Bumuhos ang mga luha ko nang umandar na ang barkong sinasakyan ko. Nanginginig kong kinuha ang aking cellphone sa bag. Dahil sa nanginginig ako ay nagkanda hulog hulog pa ang aking cellphone at wallet.

Pinalis ko ang aking luha habang patuloy na nanginginig ang aking kamay na nagtitipa sa cellphone para tawagan si Tatay. Dalawang ring lang ay sumagot agad si Tatay.

"T-Tay..." Tuluyan na akong napahagulhol. "K-Kamusta si Jao, Tay? Uh... N-Nakasakay na p-po ako sa f-ferry... P-Pakisabi p-po na antayin n-nya a-ako..."

"Nandito ako sa presinto ngayon, 'nak. Naka loudspeaker ang cellphone ko. Nakikinig si Jao." Kalmadong sinabi ni Tatay.

I stopped my sobbing. I need... I need to be strong for my brother. He needs me now. I can't be weak right now.

"J-Jao..." Pinigil ko ang aking hikbi. "D-Darating ako bukas, huh... Ilalabas kita dyan. Jao... darating si A-Ate, huh..." I ended the call because I couldn't stop myself from sobbing.

Pakiramdam ko guguho ang mundo ko. Maliban sa mga kaibigan ko ay tanging ang pamilya ko ang meron lang ako. I treasured my brothers so... so... much. I don't want them to be hurt, to suffer the cruelness of the world that has been given me. I want them to be happy.

I couldn't... I couldn't stop myself from thinking about Jao situation. I don't have enough money. We don't have any riches. Tangina kubo at gulayan lang ang meron kami. Kaya.. Kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Buong byahe ay umiyak lang ako. Iniisip kung paano ko mailalabas at masosolosyonan ang problemang meron ang kapatid ko.

His girlfriend was pregnant and he was involved in an investment scam. Okay lang sana kung ilang libo. Okay lang sana kung iilang tao. Pero... pero...walong milyon ang perang hinahanap sa kapatid ko. Higit isang libo ang taong gustong magsampa ng kaso sa kanya. Nakakabaliw.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Wala akong sapat na pera. Wala akong koneksyon.

Walong milyon.

Ilang taon kong nakasama ang aking kapatid. Sa aming tatlo, sya lang ang pinakamatapang, sya lang ang may paninindigan na hindi gagawa ng mga bagay na masama. Ilang beses nya ring nasabi sakin na hindi na bale ang magutom, wag lang kumain ng galing sa masama. Bata palang sya, yan na palagi ang sinasabi nya.

Mabilis akong nakarating sa Puerto Princesa ngunit malayo pa ang amin. Malayo kami sa syudad. Kailangan kong sumakay ng tricycle papunta sa sakayan ng motorsiklo. At galing sa sakayan ng motorsiklo ay isang oras para makarating sa liblib na lugar ng Santa. Teresa.

Alas kwatro nang makarating ako sa gilid ng kalsada na malapit sa kubo namin. Kaunting lakad lang ay makikita na agad ang aming kubo.

Naglakad ako at dinama ang sariwang hangin na humahaplos sa mukha ko. Ang tunog ng mga tuyong dahon na nalalakaran ko ay nagbibigay saakin ng kaginhawaan. Na sa ilang taon na hindi ako nakauwi, ngayon ay nakabalik ako sa tahanang minsan ko nang nilisan para sa mga pangarap ko para sa pamilya ko.

Ang aming mataas na kubo ay napapalibutan ng mga sariwa at magarbong bulaklak. Mataas ang aming kubo na kailangan mong umakyat sa kahoy na hagdan upang makapasok.

Dusk till Dawn (Embracing You Series #1)Where stories live. Discover now