Chapter Eleven

46 0 0
                                    


Veni.



Sa agos ng buhay may mga pagkakataon talaga na makakaharap tayo ng mga hindi natin inaasahan na bagay. Just like what happened today. I met Jake's grandmother in the most unexpected way I could never imagined.


We are sittting now sa cafeteria dito sa hospital habang kaharap namin ang kanyang Lola. After the encounter earlier she wanted to have a proper conversation with us. Tahimik lang ako sa tabi ni Jake ngayon na mukhang walang kakaba-kaba man lang sa mukha nito.


Tumikhim ang Lola nito kaya nakuha nito ang atensyon namin pareho, "Wala ka bang balak na ipakilala yang nobya mo, Jake?" napalingon naman ako kay Jake dahil doon.


Tinignan din ako pabalik nito saka hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Balak ko pa sanang iwasan iyon pero mabilis ang kamay nito kaya hindi na ako makaangal pa. At yung sinabi kong mukhang hindi siya kinakabahan? Binabawi ko na dahil ramdam na ramdam ko ang lamig  ng kanyang kamay na nakahawak saakin ngayon. His grip is somehow tight na para bang ginagawa niya iyon para kumuha ng lakas saakin.


"La, Marizze Del Fierro my girlfriend." he said nervously at ang tanging naisagot ko lang sa lola niya ay ngiti. Nilahad ko din yung kamay ko para sana magmano pero ilang minuto pa niya iyong tinignan bago nilagay ang kamay nito para makapagmano ako.


"Zie, my Lola, Lola Jas," he said.


"Nice meeting po, you can call me Zie. . ." tanging sambit ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng ngumiti ito saakin.


"Zie," sambit ng Lola ni Jake at tumango-tango saakin, "Your name suits you so well hija," ngiting sambit nito saakin kaya napangiti ako ng wala sa oras. "Call me Mommy La, ha," napatigil naman ako dahil doon. 


Her Lola looks like a jolly one, she looks very approachable yet even in one look you can tell how sophisticated and classy she is.


"You really have a taste apo, manang-mana saakin." she said looking so proud sa kanyang apo. 


Jake on my side ay lumitaw na din ang ngiti sa labi. Bahagya pa niyang pinisil bahagya ang aking kamay na para bang binibigyan ako ng ideya na may tama ang lahat ng sinabi ng kanyang Lola. Kanina ko pa talaga pinipigilan ang sarili na irapan ang isang ito dahil sa pinaggagawa nito.


"Obviously La, kanino ko pa ba minana yan? Ganda po niya no?" napasinghap nalang ang Lola nito dahil sa sinabi ni Jake, saka ningitian ako. Sinapak ko pa bahagya ang hita ni Jake para tumigil pero tumawa lang ito ng marinig iyon.


"Oo, sana hindi ka din magloko, Jake." I gave then a side-eye to him giving him a warning na subukan niya lang talaga.


"Ako? Magloloko?" hindi makapaniwalang saad nito sa kanyang Lola.


Sasagot sana ako sa sinabi nito ng bigla nitong binatukan ang apo. Sobrang nagulat ako dahil doon kaya halos hindi ako kaagad makagalaw sa nakita.


Veni Vedi VeciWhere stories live. Discover now