***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Napatingin si Seige sa orasan ng cellphone niya. Anong oras na rin pala. Sa isip isip niya.

Napatingin naman siya sa katabi niya. Tumigil na rin ito sa pag-iyak at nagce-cellphone na rin. Seige just shrugged her shoulders. Hindi alam ang gagawin. Kung hahayaan na lang ba ang katahimikan na mamutawi sa pagitan nilang dalawa o ka-kamustahin ang katabi niya.

Minutes have passed already tsaka niya lang narinig na bumuntong hininga ang katabi niya. She flinched.

"What's your name?"

Nahigit niya ang hininga nang marinig na magsalita ang katabi. Ang pogi ng boses. She swallowed the lump on her throat tsaka tinignan ang katabi. Doon naman siya halos himatayin sa nakita niya.

What the hell. Is she even real?

Kanina kasing na nag-offer siya nang panyo ay nakayuko lang ang babae. Masyadong busy sa pag-iyak.

Narinig niya ang mahinang pag-ubo ng katabi niya. Umiwas siya ng tingin habang nararamdaman ang unti-unting pag-init ng mga pisngi.

"Uh, you can call me Seige. Ikaw?"

"Mavis."

Pati pangalan ang gwapo. Ang gwapo pa ng boses. Tapos ang ganda niya pa. Poganda yarne?

Unconsciously, napa-iling siya dahil sa naisip.

"Are you good?"

Mas lalo niyang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi niya. Anong kahihiyan pa ba ang pwede kong madagdag pota.

"Yeah, sorry. Lumilipad lang isip ko." Seige' just chuckled softly. Laughing the nervousness away. "Can I ask you something?" Dagdag niya pa at tinignan ulit ang katabi. Hawak hawak pa rin nito ang panyo na pinahiram niya

"Hm? What is it?"

"Kanina," nag-alangan pa siyang i-tanong but she sighed at agad na tinanong ang kanina pang bumabagabag sa isip niya. "Why are you crying?"

Ngumiti ang katabi niya. Pero may something sa mga ngiti na yon. "Can I trust you?"

Napalunok na naman siya. Kinurot nang mahina ang sarili. Nawala sa isip niya na parehas silang strangers sa isa't-isa kaya hindi niya masisisi ang isa kung ayaw niyang sabihin ang problema niya.

"I-it's okay if hindi ka comfortable na i-share." She nervously laugh. Mahinang napatango ang katabi niya.

"Would you mind sending me your phone number?" Mavis asked. Napakunot nang noo ang isa. Marahil nagtataka dahil sa tanong. "Uhm, yung panyo mo, I would like to give you a new one."

She blinked a few times bago naintindihan ang sinabi ni Mavis. She waved her hands indicating na huwag na mag-bala. "It's fine. Madami naman akong panyo sa bahay." Feeling niya natuyo ang lalamunan niya sa sobrang titig sa kaniya ng dalaga.

"Are you sure?" Kunot noong tanong ni Mavis tsaka naman tumango si Seige.

"Yep! Don't worry about it." Napatingin siya sa cellphone niya. Nanlaki ang mata niya at bigla siyang napatayo. Pati ang katabi niya nagulat.

"What's wrong?"

"Maga-alas dyis na pala!" Nagpa-panic na sagot ni Seige. Hindi niya rin napansin 'yung mga chat ng kaibigan niya sa gc nila dahil naka-silent ang phone nito.

"I can give you a ride." Mavis offered.

"Ha, gagi hindi na. Malapit lang naman bahay namin. Isang sakay lang." Liar.

"I insist." Tsaka tumayo si Mavis. At sa pangalawang pagkakataon, nahigit na naman niya ang hininga niya. Doon lang napansin ni Seige kung gaano ka-tangkad ang nasa harapan niya ngayon. Grabe. Hanggang balikat lang yata ako neto?!

"Isipin mo na lang na kapalit 'yon ng panyo na pinahiram mo sa akin." Hindi na siya hinintay pa na magsalita at agad na lumabas ang dalaga sa 7/11. Mukhang matigas ang ulo. Sa isip isip niya.

Ano na naman ba 'tong pinasok ko lord.

SHE | k.fgWhere stories live. Discover now