𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 17

202 5 0
                                    

[Unedited]

MASAYANG naghahain si Carry ng dinner nila ni Zael. Pagkatapos niyang ihanda ay dinala niya sa kanilang silid para maka-kain na sila. Sa tatlong araw niyang pamamalagi sa Bahay upang alagaan ang asawa. Mas lalo pa nilang napag-tibay ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan. Katulad ng mga nakaraang araw ay pinapasakit nito ang ulo dahil sa pagpupumilit na kumilos kahit na hindi pa pwede dahil ang sugat nito.

Asaran. Kulitan. Pikunan. Minsan ay na uuwi pa sa sagutan dahil sa tigas ng ulo ng asawa pagdating sa pag-inom nito ng gamot at pagkikilos nito dahil sa kalandian na hindi mapigilan.

Kaagad na bumalik si Carry sa kanilang silid pagkatapos niyang hugasan ang pinagkainan nilang mag-asawa. May dala siyang chocolate dahil balak niyang manuod ng movie bago matulog. Pagpasok niya ng kanilang silid na datnan niyang na nunuod ng TV si Zael nasa isang naughty scene ang pinapanood nito na isang babae ang sumasayaw at umaalog ang malaki nitong hinaharap. Kitang-kita niya iyon ngunit ng maramdaman nitong pumasok siya ay kaagad na inilipat sa sport channel.

Inirapan niya ito kahit na hindi nakatingin sa kaniya. Inilagay niya sa bedside table ang chocolate na bitbit niya at pumasok siya sa walk-in closet para nagpalit ng damit na pantulog. Nakasuot siya ng red spaghetti strap lingerie dress na abot hangang kalahating hita niya. Pinatungan niya ito ng pulang bathrobe lingerie para hindi masyadong halata na wala siyang suot na bra. Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok at lumabas na siya ng walk-in closet.

Naabutan niyang nasa naughty scene pinanunuod nito at mabilis na nilipat ni Zael sa sport channel huli na ito dahil na kita niya na ‘yon.

Tinapunan niya ng masamang tingin si Zael at nakita niyang umakto ito na seryosong na nunuod ng game, nakahawak pa ito sa bibig na animo’y fan na fan ng pinapanood.

“Babe...” Tawag nito sa kaniya ng sandaling sumulyap sa kaniya. Tiningnan siya nito mula ulo hangang paa.

“Wag mo akong titingnan ng ganiyan.” Saway niya dito. Tinabihan niya ito sa kama. Nagkumot siya hangang tiyan bago sumandal sa headboard, ramdam niya na nasa kaniya pa rin ang mata ng asawa.

Inagaw niya sa kamay nito ang remote ng TV at inilipat niya sa channel na pinapanood nito kanina.
“Babe, ano ba ‘yan...” Umakto pa ito na iniwas ang mata sa TV.

Kunyare pa e ‘yan naman ang gusto!

“Nanunuod ‘yo–”

“Hindi ba ito naman ang pinapanood mo?” She sarcastically ask her husband.

“Ah?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Nagtakip ito ng unan sa mukha.

Sumisilip ito sa kaniya, “Nasa exciting part na ‘yong game—”

“Mas exiting ‘to.” Walang buhay niyang sagot dito. Inagaw niya ang unan nito na tinatakip sa mukha at ginawa niyang sandalan. Kinuha niya ang chocolate na dala niya kanina at binuksan iyon.

Nakatitig lang sa kaniya si Zael bago bumaling sa TV. Napalunok si Zael ng makitang kamay na lang ang nakatakip sa dibdib at pagkakababae nito.

“Babe, balik mo na do’n. Ano ba ‘yan nakaka-turn on –”

“Ah... Talaga?!” Pikon na tanong ni Carry at sinamaan niya ng tingin. Inaabot ni Zael ang remote sa kaniya ngunit mabilis niyang inilayo dito.

“Bakit ka ganiyan?” Zael chuckle. ”Anong klaseng tingin ba ‘yan?” Hinawakan nito ang baba niya na para bang nang-aasar pa.

“That’s a nice boobs, so bouncy.” Binatukan ni Carry si Zael.

“Ayan! Ayan! Kunyare ka pa kanina pero ‘yan naman talaga ang pinapanood mo! Diyan ka magaling sa umaalog.” Hindi alam ni Carry kung bakit siya na pipikon sa ginagawa ng asawa.

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ