1: Court

14 1 0
                                    

Tristan's Pov

Gumising ako ng maaga para mag luto ng kakainin naming tatlo for our breakfast

After kong mag luto nag tungo na ako agad sa kwarto namin. "Clyde!! Jeremy!! Gising na tatanghaliin nanaman tayo neto" Malakas kong sigaw habang tinatapik ang mga binti nila

Nag kamot ng ulo si Jeremy. "Ang ingay ingay mo!! Umagang umaga" Galit na saad ni Jeremy

"Lagi naman ganyan si Tristan" Saad ni Clyde

"Reklamo kayo ng reklamo! Kayo kaya magluto!" Saad ko sa kanila

After naming kumain nag tungo na kaagad kami sa school

Clyde's Pov

Pumunta kami ni Jeremy sa canteen para bumili ng maiinom

"Libre mo nga ako" Saad ko sa kaniya

"Dami dami mong pera tas mag papalibre ka pa sakin" Sagot nito

"Dali na... Ako mag uurong mamaya kapag nilibre mo ako Promise!" Saad ko sabay taas ng kanang kamay

"Sure ka ah??" Tanong nito

"Oo nga promise" Masayang sagot ko. Nilahad ko ang kamay ko. "Deal??" Tanong ko

Nakipag shake hands siya sa akin. "Deal" Sagot nito

"Yung blue lemonade lang yung tig 20 pesos" Request ko

"20? Ang mahal" Reklamo ni Jeremy

"Wala na... Nakipag deal ka na e" Sagot ko

"Okay fine" Saad nito sabay bugtong hininga

After a few minutes later

Pabalik na kami sa classroom ni Jeremy nang makita namin si Rain na naglalakad patungo rin sa classroom

"Psst Rain" Sitsit ni Jeremy

Kaagad na lumingon si Rain. "Bakit?" Tanong nito

"Nakita mo si Tristan??" Tanong ni Jeremy

"Hindi, Wala rin naman siya sa classroom kanina nung umalis ako" Sagot niya

"Nasaan kaya si Tristan??" Tanong ko

"Baka nasa classroom na yon ngayon" Sagot ni Rain at nagpatuloy na maglakad

"Tara na nga" Aya ni Jeremy

Inside the classroom

"Hoy!!! William bakit ka nasa upuan ko???" Galit na tanong ni Jeremy

"Bakit sayo ba to? Wala ngang nakasulat na pangalan mo" Sagot ni William

"At mag aaway na nga sila" Saad ni Rain

"Tumigil nga kayong dalawa!!" Saway ni Tristan

Si Tristan lang ang nakaka awat dyan sa dalawang yan. Takot sila kay Tristan e.

"Galing galing mo talaga tristan" Masaya kong sambit habang pumapalakpak

Sa Akin ka tatagal pero sa Babae ka IkakasalWhere stories live. Discover now