Chapter 1

17 2 4
                                    

Chapter 1

dzn.xmyl
magjowa na pala kayo ni sav
ikaw ha gumaganyan kana

lane.miralles
gago hindi ha bestfriends lang kami non no
bestieee HAHAHAHAHHA

dzn.xmyl
wehhh

lane.miralles
leg8 nga HAHAHAHAHA

dzn.xmyl
couple dp ehh

lane.miralles
kaasar ka ga hindi nga kasi🔪🔪🔪

dzn.xmyl reacted 😆 to your message.

"Tek na daizen to kulit" natatawa kong sabi sa sarili ko.

Simula ng pang-aasar nya tungkol kay sav dun na nag bloom ang friendship namin. Halos araw araw kami nagkukulitan at nagaasaran. Di matatapos ang araw na di kami nakakausap. Simula umaga hangggang gabi kami nag-uusap at nagtatawanan.

lane.miralles
uyyy diaz tara cod??

dzn.xmyl
taraa open lang

You reacted ❤ to this message.

"Maui g ka? kape" Aya sakin ni diaz sa call.

"Ay gggg san ga?"

"Doon sa Heresina bagong bukas yun last week sa may Intramuros. Balita ko nga masarap daw don sbi ng mga kaklase ko ano tara?"

"Taraaa sunduin mo ko hehe"

"Oo na lagi naman magbihis kana"

"Oo naa baba ko na to"

"Ge"

Nagbihis na ko sinuot ko ung bago kong bili na black dbtk oversized shirt paired with a wide leg pants.

I heard the horn of a car kilala ko na agad kung sino to. Dali dali na ko bumaba at nag paalam sa parents ko.

"Hi ma alis po ako kasama ko po si daizen sa intramuros lang po kami"

"Sige mag-iingat kayo ha wag magpapagabi loveyou"

"Opoo loveyou too" sagot ko habang binubuksan ang pinto.

Sumakay na ko sa passenger seat.

"Hi lods"

"Hi maui tara na"

Kinonnect ko yung phone ko sa stereo ng car nya. Nag start ung favorite song ko "ikaw lamang" by silent sanctuary.

"di ko maintindihan ang nilalaman ng puso"

"tuwing magkahawak ang ating kamay"

"pinapanalangin lagi tayong magkasama" sabay naming pagkanta ni diaz ineenjoy kantang to.

"ikaw lamang ang aking minamahal" sa pagkanta ni diaz ng linyang to tumingin ito sakin.

Tila bang may mga paro paro sa aking sikmura.Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ramdam ko ang pag init ng aking mga pisngi.

"Tumingin ka nga sa dinadaan mo baka mabangga tayo bwesit ka" inis kong sambit sa lalaking katabi ko ngayon.

Shet ano to? Bakit ganto?  Ano tong nararamdaman ko?  Bakit ganon ang tingin nya sakin?  Gutom lang siguro to. Buong car ride ito ang nasa isip ko pero hinayaan ko nalang.

"Andito na tayo" Sambit nya habang tinatanggal niya ang kanyang seatbelt.

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at lumabas.

"gago ka diaz ang ganda ditoo" Manghang mangha kong saad sabay sa pag lingon lingon sa mga paligid.

He just chuckled and opened the door. Pumasok na kami sa heresina.

Kitang kita ang pangalan ng cafe sa laki ng signage na ito napaka ganda sa mata at ung loob ng cafe apaka pleasant tignan nag mamatch ang mga kulay ng mga pader sa mga lamesa at upuan.

Umupo kami sa may window kitang kita ang mga kotseng nadaan at mga taong naglalakad.

"Maui ano oorderin mo? Ako na mag oorder"

Tinitigan ko ang menu at nagisip.

"Iced mocha venti tska baked mac nalang ikaw?"

"caramel macchiato lang"

"sige wait kita here"

Bumalik sya sa kinauupuan namin dala-dala nya ang
mga order namin.

"diaz tunay nga sabi ng mga kaklase mo masarap ngaa"

"oo nga balik tayo dito next time" naka ngiti nyang sambit.

Sa araw-araw na pagsasama namin unti-unti na pala akong nahuhulog kay diaz. Di naman maiiwasan mahulog kay Daizen eh nasakanya na ang lahat tila bang perfect man for me ganon.

Napagtanto ko na gusto ko talaga sya.

SalamisimWhere stories live. Discover now