Joke lang. [Oneshot]

32.9K 1.6K 359
                                    

 [A/N: Dedicated to JigokuEyepatch dahil natuwa ako sa Operation: I-Stalk Si Kras! [OneShot] niya. Basahin niyo rin, maganda. ^u^ Ngayon ko lang napansin, kapangalan niya pala sa profile niya yung babae dito. Haha. Sana magustuhan mo. =))))]

"HOY BUENAVENTURA! Magbayad ka na ng renta mo!" magkasalubong ang kilay na sabi ni Yuki Villaflor.

Napanganga naman ako. "Haaaa?"

Ikaw ba naman, bigla kang kausapin ng isang babae sa klase mo, at nanghihingi pa ng renta! Sinong di magugulat? E sa pagkakaalam ko, may sarili naman kaming bahay. At eto ang unang beses na kinausap ako ni Yuki.

Yukina Villaflor ang buo niyang pangalan. Based sa observations ko, isa siya sa pinakamakulit sa klase. 1/4 Japanese siya, kaya maputi siya at medyo singkit. And I must say, cute siya.

In fact, siya ang una kong napansin noong first day pa lang. Hindi naman siya napakaganda na tipong headturner, pero ang cute ng pagkasimple niya. Sa ganda niya, pwede na nga siyang muse eh. Yun nga lang, umayaw siya.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko magbayad ka na ng renta mo!" naiinis pa rin na sabi niya.

"Para saan naman?" gulong gulong tanong ko.

"Ang tagal mo na kayang nakatira sa puso ko!" sabi niya at kumindat.

"Ayyyyyieeeeeeee~" syempre, mawawala ba ang kantyaw ng mga epal naming kaklase?

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Confession ba 'to? Langya, di ko alam ang sasabihin ko. Mukha siguro akong tanga ngayon. Nakanganga na, nanlalaki pa ang mga mata. E sa nagulat ako eh, ba't ba?

Pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

Nagpeace sign siya at ngumiti ng ubod ng tamis. "Joke lang!"

"Ah. H-Hahaha." I laughed nervously. I can almost punch myself for that obviously fake attempt.

“Kinilig ka nuh?” nang-aasar na sabi niya habang natatawa.

Joke lang. [Oneshot]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ