Chapter 3

8 1 0
                                    

GENESIS POV'

TAHIMIK Ang paligid nung pumasok si Dean. Day 2 ito ng observation. Sabi ni Dean ay tatlong Day daw ang pag oobserve sa amin. Parang normal lang naman ang pag tuturong ginagawa ng bawat subject teacher na napili. Ang kaso bibo ang mga kaklase ko na sumasagot. Dahil sabi ni Dean kung sino man ang makaka sagot sa bawat tanong ay may extra points na makukuha sa kanya. Diko alam kung ano yung extra points naiyun.

Yung mga kaklase ko ay trying hard talaga para makakuha ng extra points.

Mag sisimula ng mag turo ang subject teacher namin sa earth and life. Naka upo nadin si Dean at dalawang babae na mula daw sa division office sa dulo. May mga hawak pa silang papel. Literal na observation nga. Ang section lang namin ang napili para dito. Kasi nga kami daw ang section A.

"Good morning everyone. Who kno---" Hindi na natapos ng subject teacher namin ang sasabihin nya nung biglang bumukas ang pintuan ng room. Kung kanina ay ang tahimik lang namin. Ngayon napaka tahimik na namin. Bumungad sa amin si Cariana. Pawis na pawis sya. Mukhang may dinaanan pasya bago sya pumunta dito sa room.

"Sorry, I'm late. May nangyari lang." Malamig na saad ni Cariana. Hindi nya na hinintay na mag salita ang subject teacher namin. Agad na syang pumasok sa loob ng room. Hinihingal syang umopo sa kanyang upuan sa likod. Napatingin ako kay Cariana. May galos ang kanyang pisnge. Gasgas ito. Medyo madumi din ang kanyang suot na uniform. Wow. Naka complete uniform sya.

Dahan dahan akong napatingin kay Dean. Nakita ko ang napaka sama nyang tingin kay Cariana. Bumaba ang tingin ko sa kamao ni Dean. Mariin itong naka kuyom. Bakas sa kanyang mukha ang galit. Malalim syang bumuntong hininga. Mabilis akong tumingin sa subject teacher namin nung biglang tumingin sa gawi ko si Dean.

Grabe nakakatakot pala talaga sya! Bakit hindi ko napansin!

Napatingin sa akin si Aella. Medyo nilapit nya ang upuan nya sa akin. "Ano kayang nangyari?" Mahinang bulong sa akin ni Aella. Nag kibit balikat ako. "Baka na aksidente sya." Bulong ko sakanya. Mabilis syang napatango tango. "Tama, baka nga. Nakita ko yung kotse nila na papunta sa munisipyo kanina. Naka salubong namin nila Daddy. Usap usapan na mag kaaway daw ang Casa at Ventura. Kaya hindi ko alam kung bakit papunta sila pres sa Munisipyo kanina." Bulong ni Aella sa akin.

Mag sasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa nung biglang tawagin si Aella ng subject teacher namin. Parehas kaming gulat na dalawa. Buti nalang ay na sagot ni Aella. Isang oras lang ang observation. Pag katapos nun ay normal na klase nalang. Napatingin ako sa likod sa gawi ni Cariana. Tulog na ito ngayon.

Grabe ano kayang nangyari sakanya? Nag adventure ba sya kagaya ni Dora?

Natapos ang limang subject namin at recess na. Pag katapos ng recess ay isang subject nalang. At uwian na. Nag si labasan ang mga kaklase ko. Nag si tayuan naman sila Aella, Rai, Syrelle. Tumingin sila sa akin. "Tara na sa cafeteria?" Nakangiting saad ni Aella. Bago ako tumayo ay napatingin ako sa gawi ni Cariana.

Bilhan ko nalang sya ng foods.

Nag lakad kaming apat palabas ng room. Medyo madami na ang tao sa cafeteria. Bawat building ay may cafeteria kaya naman hindi na mahihirapan ang bawat isa sa amin na pumunta sa kabilang building para kumain. Bumili ako ng dine in at take out. Nag taka sila Aella kung bat pako may take out. Nag tanong sila sa akin pero nginitian ko lang sila.

Sabay sabay kaming kumain. Nag kukwentuhan kami habang na kain. Binilisan ko talagang kumain para maibigay ko ito kay Cariana. "Mauna na ako sa taas ha? Bigay ko lang 'to." Nakangiting saad ko sakanila. Agad na nag si tahimikan yung tatlo. Nangunot ang nuo ko. "Bakit?" Nag tatakang tanong ko sakanila.

Mabilis silang umiling iling. Agad na nag salita si Aella. "Go, see you." Ngiting saad ni Aella. Nakita ko na sinanggi sya ni Syrelle. Ngumiti nalang ako sakanila at nag paalam. Mabilis akong tumakbo papunta sa elevator. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na ako sa room namin.

Is this Lithromantic?Where stories live. Discover now