CHAPTER 15

0 0 0
                                    

KALINAH POV

Napapikit ako ng maramdaman ang pagsiil nya sa itaas na labi ko. Natigilan ako ng maramdaman ang pangungulila, kung gaano ko syang namimiss. Pilit ko syang tinutulak pero mas lalo nya lamang akong hinapit at ginalaw ang mga labi nya sa labi ko. Napakapit ako ng mahigpit sa damit nya nang muli nyang siilin ng mas madiin ang pang ibabang labi ko.

"uhmmp" pigil na ungol ko kagatin nya yub bago ko binitiwan at kinulong ako sa mga braso nya. Kinuha nya yung ulo ko at sinandal sa dibdib nya bago nagsalita.

"K-kung pagod kana s-sige, ako ang k-kikilos, wala kang ibang gagawin kung hindi ang hayaan ako. Kung wala ng pag asa sige, ako, ako na ang gagawa mg paraan para hindi ko na kailangang umasa pa dahil una pa lang alam kong wala na talaga kong pag asa sayo dahil masyadong boring ang mga buhay ko hindi gaya ng sayo na palaging may thrill at g-gaya nga ng sabi mo diba palagi kong inuuna ang emosyon ko kesa sa aksyon." lumuluhang sabi nya.

"K-kaya ngayon s-saktan mo man ako ng paulit ulit, pumunta ka man sa b-bar at m-makipaghalikan sa i-ibang l-lalaki" hikbi nya kaya nakuyom ko ang kamao ko.

"gawin mo yung mga gusto mo, w-wag mo kong isipin p-pero sana... h-hayaan mo kong i-paramdam sayo yung p-pagmamahal ko k-kahit w-wag mo nang suklian.." ramdam ko ang paghigpit ng yakap nya kaya hindi ko mapigilang dahan dahang iangat ang mga braso ko bago yumakap pabalik sa kanya kaya lalo syang napaiyak kasabay ng pagluha ko.

"S-sanay naman akong i-paramdam yung p-pagmamahal ko sayo ng w-walang nakukuhang k-kapalit kahit n-noon pa, p-pero please b-baby wag mokong itulak p-palayo nakakapagod rin kasing kahit ang lapit lapit mo na, kailangan pa rin kitang mahalin mula sa malayo." Napahigpit ang yakap ko sa kanya at hindi mapigilang mapahikbi.

"P-pasensya na sa mga s-sinabi ko l-lalo na yung s-sinabi kong sana sya nalang ang m-minahal ko f-feeling ko kasi n-nasasaktan ka sa p-pagmamahal ko at a-lam ko namang n-nawala na agad yung pagmamahal mo sakin gaya nung sinabi mo nakaraan d-dahil a-alam kong hindi naman g-ganon k-kalalim yun" hirap na sabi nya kaya nilipat ko ang mga braso ko sa leeg nya at doon sya niyakap kaya siniksik nya ang muka sa leeg ko habang yumakap ng buo sa bewang ko.

Hinayaan ko syang umiyak ng umiyak.

"I'm s-soryy" I apologize.

"I l-love you s-so muchh at mas pililiin kong masaktan nang paulit ulit sa pagmamahal ko sayo, kesa magmahal ng iba" kaya hindi ko mapigilang mapaiyak muli.

"Liligawan kita kahit walang kasiguraduhan" natigilan ako pero mas lalo nya lang akong niyakap at sumiksik sa leeg ko, ramdam ko ang basa non.

"Liligawan kita kahit na gumawa kapa ng mga bagay na ikakasakit ko w-wag mo lang akong itulak p-palayo plss.." hikbi nya.

"binabusted na kita" pilit na biro ko kaya ramdam ko ang pag nguso nya.

"w-wala pa ko nangliligaw k-kaya h-hindi pwede." hikbi nya na para ng bata kaya natawa na ko ng tuluyan. Lalo syang naiyak ng marinig ang tawa ko.

"I l-love y-youu, w-wag mo na ulit h-hayaang m-masugatan ka kasi f-feeling ko nasasaktan rin ako, hindi ko kayang makita ka ng ganyan."

Umahon sya at paulit ulit na hinalikan ang noo ko at nagtagal ang labi don ng ilang segundo kaya napapikit ako. Napamulat ako ng maramdaman ang pagpunas nya sa muka ko at titigan yun ng masama.

"Andami mo pang sugat" himihikbi pa ring sabi nya kaya natawa ko at hinawakan ang muka nya at pinunasan yun pero agad napakapit sa batok nya ng basta nya nalang akong buhatin at humiga sa kama ko habang yakap pa rin ako.

"kaii.." ako pero lumuha lang ulit sya at yumakap sakin bago muling sumiksik sa leeg ko.

"n-namimiss kita ng s-sobra k-kaya baka mamatay na k-ko bukas kailangan kong m-mahinga kasama ka k-kahit sandali lang." humikbing sabi nya kaya niyakap ko sya pabalik habang nilalaro ang buhok nya. Ramdam ko ang pagpikit nya.

KALINAHWhere stories live. Discover now