Chapter 13

48 2 0
                                    

Isang ingay ng tumunog na plato ang gumising kay Jaemin. Kaagad naman nyang minulat ang mata para hanapin kung saan nanggaling ang ingay, turns out na nasa harapan pala nya.

May isang lalaking naglagay ng plato sa table malapit sa couch na hinihigaan nya. Hindi lang syempre plato, may pagkain din.

"Sorry po sir nagising ko kayo. Utos po kasi ni sir Jeno na dalhan kayo nito para paggising nyo daw po ay kakain nalang kayo."

Umayos naman ng upo si Jaemin at pinasalamatan din kaagad yung worker at pinagmasdan yung mga pagkain.

He took a pic of it bago nya ito kainin.

After kumain ni Jaemin, tumayo na din sya at lumabas ng bahay para hanapin si Jeno. Maghahapon na pala at halos patapos na din ang mga workers sa kanilang trabaho.

Wala na din yung sasakyan na sinakyan nya kanina papunta dito. Mukhang hindi nga agad sya makakauwi.

Sa paglalakad nya ng payapa ay may narinig syang mga sumigaw na nag-agaw ng kanyang atensyon kaya mabilis nyang hinanap ang pinanggalingan nito.

"Ayos lang po kayo sir Jeno?" Rinig na sabi ni Jaemin kaya wala sa oras na tumakbo sya papunta doon sa kumpulan.

"Oo ayos la-"

Nang makita naman ni Jeno na paparating si Jaemin, ngumiwi pa sya lalo.

"Ahhhh! Shit ang sakit! Yung tuhod ko kuya Mael pakicheck naman!" Arte pa nya at itong kuya Mael naman na tinutukoy nya ay yumuko din para icheck kung saan masakit ang hita nya. Mukhang nagpapanic na din ito dahil nga nasaktan ang kanilang señorito. Ito pa naman ang pinaka iniiwasan nilang mangyari.

"Jeno? Oh my god are you okay?" Tanong kaagad nj Jaemin dahil narinig nyang sumigaw ito. "Saan masakit?" He asked worriedly.

"Dito." Sabi ni Jeno at nagpout pa sya pagtapos. "Ang sakit, sobra."

Nagsalubong naman ang kilay ni Jaemin at hinampas sa braso si Jeno. "Jeno isa!"

Dahil sa ginawa ng binata ay bahagyang tumawa ang iba nilang mga trabahador. Naisip din tuloy nila na mukhang ayos naman ang kanilang sir. Pero kahit na ganoon, kinabahan pa din sila sa nangyari dito.

"Ouch! Masakit yun bebe?"

"Anong bebe? Gusto mong dagdagan ko yan? Amina, saan masakit? Yung totoo ha." Pinandilatan nya ito ng mata. Hindi tuloy mapigilan ni Jeno na matawa because he finds it cute din.

"Ayos lang ako. Hindi naman first time itong mangyari."

"And it doesn't mean na ayos ka lang. Hindi pala first time eh, hindi ba dapat mas mag-iingat ka?" Sermon nya dito at hinilot and iba't ibang parte ng paa nito na para bang hinahanap nya kung saan may mali o saan masakit.

"Grabe naman ang concern, kinikilig ako eh."

"Gusto mo talagang masampolan ano?"

"Hindi na po. Mag-iingat na ako sa susunod." Sabi nalang nito at halata sa mukha ang pagpipigil ng ngiti.

Pinatayo ni Jaemin si Jeno at sinabihan na humakbang to see if something's wrong with him. Napansin nya na medyo nagli-limp ito habang lumalakad kaya he immediately told him to stop walking na.

"See? I told you. Here. Use my arm as your hawakan."

Nang mapansin ng mga workers na mukhang magiging maayos na naman ang kanilang señorito ay bumalik na din sila sa kanilang trabaho. Isa pa, inutusan na din naman sila ni Jeno at sinabing ayos lang sya.

"Umupo ka jan. I'll get something lang sa loob. Don't even dare to move ha." Utos pa ni Jaemin bago sya umalis.

Nakangiti lang namang tumatango si Jeno habang pinapanood si Jaemin umalis at bumalik din agad.

ENCHANTED | Nomin Where stories live. Discover now