KABANATA IX

1.6K 77 1
                                    

"Dra. Lim, nagmamakaawa po ako sa inyo, tulungan niyo ang anak ko, ituloy niyo na po ang operasyon para sa anak ko" Pagmamakaawa na sa akin ng ina ng batang pasyente matapos kong tanggapin ang surgery ng anak nito, napatingin na lang naman sa akin si Gwen na kapwa ko naman cardiac surgeon.

"Maniwala po kayo, gustong gusto ko po kayo tulungan, pero kung iisipin niyo ho, pitong taon gulang pa lang po ang anak niyo"

"At tatapatin ko po kayo, mababang tyansa lang ng tagumpay ng surgery ang makukuha natin mula sa operasyon na isasagawa ko, Miss Amanda"

"Mas matagal niyo pang makakasama ang anak niyo kung hahayaan niyo na lang siya mamuhay ng normal" Usap ko na sa babae.

Sa pagkakaalam ko, halos kaedaran ko lang ang mommy nitong batang pasyente ko, tanging sila na lang ng anak niya ngayon ang magkasama sa buhay dahil iniwan na siya noong karelasyon niya nung nalaman niyang buntis ito.

Walang kwenta!

"Lumalaban ang anak ko, lumalaban siya" Umiiyak ng sabi nito kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

"Kaya parang awa niyo na, siya na lang ang meron ako, Dra. Lim"

Hindi rin nagtagal ay pinaayos ko na ang dapat ayusin kaya gulat naman napatingin sa akin si Gwen.

"Dre? Itataya mo?" Gulat na tanong niya sa akin habang palabas ako ng opisina ko.

"Para sa mag ina" Nasabi ko na lang at naglakad na papuntang operating room.

"Masyadong delikado, mababa ang tyansa, kaya papano?" Takang tanong pa ni Gwen ngunit sinamahan din naman akong maghugas ng kamay sa washing area.

"Gawin lang natin ang dapat natin gawin"

-----------------

"Tapos ka na?" Tanong na sa akin ni Aiah ng pumasok na ako sa loob ng kwarto ng mommy niya.

Tumango naman ako at naupo na sa tabi niya.

"Hmm, may ilan lang naman akong case na tinignan at pinirmahan sa department namin pero ayos naman na, nandon naman si Gwen" Sagot ko sa kaniya kaya agad naman siyang tumango.

Kasalukuyan nagpapahinga ang mommy niya, ganon din ang daddy niya na ngayo'y nakahiga na rin sa isa pang sofa. Sa ngayon, ang kuya niya ang nagmamanage ng firm nila kaya panatag din naman sila kahit papaano.

"Mahirap ba?" Biglang tanong niya sa akin.

"Ang alin?"

"Maging heart surgeon" Sagot niya.

"Hmm, sa una siguro, oo pero kapag nasanay ka na at gamay mo na ang mga pasikot sikot ng puso ng tao, magagawa mo na" Sagot ko kaya agad naman siyang napangiti.

"Sayang" Biglang sabi niya kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Bakit?"

"Wala ako nung nakaranas ka ng unang surgery mo" Sagot niya.

"Oks lang yon, atleast nandito ka pa sa susunod kong mga surgery, may naka sched ako next week, gusto mong makita?" Tanong ko sa kaniya kaya agad naman kunot noong tumingin sa akin.

"Jusko! Mikha Lim! Ni dugo nga hindi ko kayang matignan tas tatanungin mo pa ako kung gusto kong panoorin kung paano mo biyakin puso ng mga pasyente mo" Hindi makapaniwalang sabi niya kaya natawa na lang naman ako.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now