KABANATA XXVI

2K 79 1
                                    

MIKHA'S POV

Pag uwi ko sa bahay ay naabutan ko naman na nagtatawanan na si Aiah at Mommy sa garden kaya saglit ko pa naman muna silang pinagmasdan.

Ang unang babaeng minahal ko at ang babaeng pang habambuhay ko.

Sa dami ng nangyari ito kami, magkakasama, kumpleto at unti-unting nagkakaayos.

"Thank you, Lord" Nasabi ko na lang.

Ilang saglit pa ay nakita na rin ako ni Mommy kaya naman ay agad na rin siyang nagpaalam kay Aiah at lumapit na sa akin.

"Bagay talaga sayo ang maging masaya, anak" Nakangiting aniya na ni mommy habang hawak hawak na ang pisnge.

"Salamat po sa inyo" Nakangiting pasasalamat ko na at hinalikan na ang pisnge niya.

"Oh siya, papahinga na ako, ikaw na bahala kay Aiah, huwag mo na pakakawalan ang manugang ko ah" Usap pa niya ng halikan na rin ang pisnge ko.

"Goodnight, mom, i love you"

"Goodnight, i love you too"

Agad agad din naman akong lumabas sa garden at niyakap na mula sa likod si Aiah.

"I miss you, misis ko" Bulong ko na sa kaniya habang yakap yakap pa rin siya.

"Kamusta lakad mo?" Tanong na niya sa akin ng bahagya akong linungin.

"Explain na ako?" Tanong ko pa sa kaniya, agad naman siyang natawa at tumango.

"Okay, ganito kasi yan misis ko, hindi ko rin alam na pupunta rito sa bahay si Jasmine pero mabuti na rin kasi ngayon na pala ang alis niya pa Australia, roon na raw kasi siya maninirahan at magpapagaling"

"Ayon, saglit lang kami nag usap kanina, nagpasalamat na rin ako sa kaniya at humingi ng pasensya, hinatid ko na rin sa airport pero promise misis ko, hug lang binigay ko, walang kiss, kaya hindi mo kailangan mag selos" Kwento ko pa sa kaniya kaya agad naman siyang lumingon sa akin.

"Selos? Ako? Hindi ah" Pagtanggi pa niya kaya napangiti na lang naman ako.

"Hindi ka nagselos?" Asar ko pa sa kaniya at agad naman siyang umiwas ng tingin.

"Hindi!"

"Hindi ka nagselos kanina?" Nakangising tanong ko pa sa kaniya.

"Kaunti, Eh kasi naman!" Savot niya kaya napangiti naman ako kaagad.

Cute.

"Nagising akong ayon dadatnan ko tas kung ano ano pa sinasabi nung tatlo, tas nakita ko pa kayong magkayakap tapos ---

Hindi ko naman na siya pinatapos sa napakahaba niyang eksplenasyon ng bigla ko na lang halikan ang labi niya, hindi rin naman nagtagal ay binawian na rin niya ako ng halik kaya napangiti na lang naman ako.

Lord, pwede mo na akong kunin, parang sasabog na puso ko sa sobrang saya.

"Ikaw lang mahal ko, misis ko" Usap ko na ng magtama na ang mga noo namin.

"Ikaw lang"

"I love you, Mikha Lim" Usap pa niya at niyakap na ako ng napaka higpit.

Tagal kong pinagdasal na dumating ang araw na to, na maging ayos ang lahat, na dumating ang araw na nasa tabi na ulit kita at sabihin sa akin na mahal mo pa rin ako, buti na lang naghintay ako.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now