KABANATA X

1.6K 81 5
                                    

Kinahapunan ay tahimik lang kaming nanonood ng pelikula sa sala na siyang nirekomenda naman ni Jhoana kaya focus na focus naman si Aiah sa panonood dito hanggang sa tuluyan na ngang natapos ito 

"Sa atin dalawa, pakiramdam ko ako si Primo" Biglang usap niya kaya taka naman akong napatingin sa kaniya.

invested na invested, misis ah

"Paano?"

"Masyadong focus sa goal, masyadong mayabang, masyadong makasarili, kaya hindi niya namamalayan nag iiba na siya, napapabayaan na niya lahat ng nakapaligid sa kaniya, hindi na siya yung Primo na minahal ni George" Usap pa niya kaya agad naman akong napatango.

"Pakiramdam ko, hindi iyon ang Aiah na minahal mo non nung naabot ko na yung mga pangarap kong yon"

Misis ko?

"Pero naiintindihan naman siya ni George, tignan mo nga, hinahayaan pa niyang maabot ni Primo yung pangarap niya, kahit siya nakaabang sa magiging tagumpay ni Primo" Sagot ko na lang kaya agad naman ako napatingin sa kaniya at ganon din naman siya sa akin.

"Pero napapabayaan na niya si George" Usap pa niya kaya napabuntong hininga na lang naman ako.

Nung nakaraan pa siyang ganito, pakiramdam ko tuloy unting unti na nagiging malinaw sa akin ang lahat kung bakit.

"Siguro nga, napapabayaan na niya si George pero kung titignan mo, isang beses lang siya napagod, isang beses lang siya nagreklamo, pero sa huli, hinanap niya pa rin si Primo"

"Ganon kamahal ni George si Primo, ganon din kahalaga sa kaniya ang mga pangarap ni Primo" Dagdag ko pa sa kaniya.

"Pero iniwan pa rin siya ni Primo" Usap pa niya kaya napatango na lang naman ako.

"Iniwan siya ni Primo" Nasabi ko na lang din at napatango.

Iniwan mo ko, misis ko

"But atleast, parehas na silang okay, mas better, mas may maayos na komunikasyon" Usap ko pa kaya agad naman siyang napatango ulit.

"Pero nagkahiwalay pa rin sila, hindi na sila"

"Atleast sila pa rin sa huli" Usap ko pa kaya napaiwas naman siya ng tingin.

"Pero alam naman natin na hindi ganon kadali sa totoong buhay" Aniya na niya kaya napatango na lang naman ako.

Hindi ganon kadali sayo na balikan ako?

"Right, right"

Mabuti na lang at mayroon nag doorbell kaya agad agad naman akong tumayo palapit dito.

At pagbukas ko ng pinto ay saktong sabay na dumating ang inorder kong pagkain at painting materials para may paglibangan naman si Aiah.

"Sino yon?" Tanong niya sa akin ng marinig na niyang sinara ko na ang pinto namin.

"May surprise ako sayo!" Sigaw ko kaya agad agad naman akong naglakad papasok ng sala.

"Naks! Nagpepaint ka na ngayon?" Nakangiting tanong niya sa akin kaya napanguso naman ako.

"No! Scalpel lang kaya kong hawakan hindi paint brush, misis ko" Sagot ko kaya agad naman siyang natawa.

"Para sayo talaga yan, para hindi ka mabored" Sagot ko kaya agad naman siyang napangiti.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now