KABANATA XI

1.5K 79 2
                                    

Natapos ang hapunan namin ni Aiah ng hindi pa rin umaalis sa isipan ko ang mga narinig ko kanina. Hindi ko alam kung sino at kung ano ba ang meron sa kanila ng kausap niya, pero isa lang ang malinaw sa akin ngayon, wala na akong lugar sa buhay niya at ang lahat ng ito ay para na lamang sa mommy niya.

Bakit ko nga ba naisip na posibleng may nararamdaman pa siya sa akin matapos ng dalawang taon ng pag iwan niya sa akin?

Bakit pa nga ba ako umaasa?

Bakit ko pa ba naisip na posible pang mahalin niya ulit ako at balikan?

Bakit pa ba? Hays.

Mabuti na lang at nagpatawag ng meeting ang head ng department namin ni Gwen na si Dra. Vidanes kaya hindi ko naman na masyadong naiisip ang mga narinig ko kanina.

"Merong magaganap na conference sa Los Angeles and i want you, Dra. Lim to attend that special conference" Aniya na nito kaya agad naman ako napa unmute sa amin zoom meeting.

"Pero ma'am may mga naka schedule na ako mga surgery" Pagdadahilan ko na sa kaniya.

"Don't worry hindi pa naman ngayon yon matagal tagal pa yon pero need na nila ng mga lists ng doktor na ipapadala sa conference na yon kaya ininform na kita na ikaw ang ipapadala namin don" Paliwanag na niya kaya napahinga na lang naman ako ng malalim.

"May choice pa ba ako Dra. Santos?" Tanong ko at kita ko naman ang pagtawa ni Gwen sa camera niya.

"Wala, Dra. Lim" Sagot nito kaya napatango na lang naman ako.

Napayuko na lang naman si Gwen sa harap ng camera niya kaya napaiwas na lang din naman ako ng tingin sa screen ko.

Feeling ko, anytime mapapalayas ako sa sariling hospital ng mga magulang ko.

Pero mabuti na lang at hindi masasayang ng conference na ito yung natitirang limang buwan ko.

"Okay po, Dra. Vidanes" Nasagot ko na lang.

May ilan pa kaming pinag meetingan na mga ilan case ng iba pa namin pasyente at ng mapagkasunduan na ang mga dapat at mainam na gawin ay tuluyan na ngang nagtapos ang meeting na namin na yon.

"Hays! Finally!" Nasabi ko na lang at kumuha na ng beer sa ref namin.

i love you

i love you

i love you

i love you

"I love you, i love you, hindi niya ba alam mas higit na kaya ko siyang mahalin kumpara ron sa kung sino man yon" Napapailing na bulong ko na lang sa sarili ko at ininom na ang beer na hawak ko.

Ilang sandali pa ay nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Gwen kaya agad ko naman itong sinagot.

"Hoy! Pilosopo! Nagyayaya yung dalawa sa bar ni Gelo inom daw" Bungad nito sa akin.

"Bakit? Wala ba kayong mga duty?" Tanong ko na sa kaniya.

"Day off ko, on call lang yung dalawa" Sagot nito.

"Sige, sige, punta na ako" Sagot ko at binaba na ang linya.

Saglit pa akong nanatili sa labas ng kwarto ni Aiah habang nag iisip kung dapat pa ba akong magpaalam o umalis na lang para hindi na siya maistorbo.

Pero agad naman na akong tinadtad ng chat ng mga kaibigan ko kaya wala naman na akong nagawa kung hindi ang umalis na lang.

"Hayy! Sa wakas may dumaan na rin na alak sa lalamunan ko!" Biglang aniya ni Gwen ng inumin na niya ang alak na hawak hawak niya.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now