62

112 2 0
                                    

62.

Hala gsgo! Ba't siya ngumiti?

Alam niya bang nakakatunaw siya kung ngumiti?

'Ano ba 'yan! Erase!'

Napabuntong hininga ako saka ibinalik ang tingin sa tatlong batang nasa harapan ko ngayon na kina Treece at sa Boss ko nakatingin habang masayang naglalaro.

"Mga anak..." Kaagad na tumingin ang mga ito sa 'kin nang magsalita ako pero kaagad din silang tumingin muli sa gawi kung nasaan ang kapatid nilang si Treece nang tawagin sila nito.

"Ate Isay, Dos, Fort, come! Laro tayo oh! Maraming toys dito!" Pag-aya sa kanila ni Treece.

"Sige, laro tayo!" Sabay na sabi nina Isay at Dos saka lumapit sa kinaroroonan ng kapatid at nakipaglaro.

"Momma..." Sambit ni Fort habang nakatingin sa 'kin, hinihintay ang permiso kong pumayag.

Nginitian ko lamang siya saka tumango na kaagad naman niyang nakuha kaya dali-dali siyang tumakbo sa kinaroroonan ng mga kapatid niya at nakipaglaro rin sa kanila.

Habang tinitingnan ko sila, hindi ko maiwasang mapangiti.

Hanggang sa dumako ang paningin ko sa Boss ko at nagtama ang paningin naming dalawa.

Oo nga, 'no? How come na naisip nilang si Sir Roscoe na mismong Boss ko ang ama nila?

The Quadruplets Father [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz