CHAPTER 1

186 15 0
                                    

COLTON’S pov

“Demi ano ‘to?” Tanong ko sa girlfriend ko ng makita ang isa na namang bangkay sa loob ng unit niya.

“A dead body,” simple nitong sagot sa akin.

“I know it’s a fvcking dead body. Pero Demi kakaumpisa pa lang nitong katulong mo sa‘yo kahapon!” Frustrated kong sigaw.

“It’s her fault, because she is a chismosa!” Sigaw nito pabalik sa akin dahilan para matigilan ako.

Here she goes again, her and her psychopath personality.

Pasimple ko namang sinulyapan ang katulong na may tali ng telephone wire sa leeg at nakalabas ang dilang kalahati na lang ang natira.

Pang sampung katulong niya na ito sa loob ng isang buwan. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Everytime na may ginagawang masama or mali ang mga katulong niya ay pinapatay niya agad ito. She is like a kid destroying her toys lalo na at wala na itong silbi sa kanya.

“I’ll call Deather, ipapasundo muna kita sa kanya para mailigpit ko na naman itong kalat na ginawa mo.” Saad ko at nagdial sa cellphone ko.

[“Yes?”] bungad na tanong nito pagkasagot niya ng tawag ko.

“Can you fetch Demi here? I need to clean her mess.” Sagot ko habang nakatingin sa kapatid niyang nakikipagtitigan sa akin ng matalim.

[“Again?”]

“Again bro,” sagot ko ulit.

[“Just give me half an hour and I’ll be there.”] Saad nito at pinatay ang tawag.

Oh, I haven’t introduced myself yet. By the way I’m Colton Alovero, 25 years old taking BS Psychiatry. Mula sa isang pamilya na puro Guro, but instead of taking education I chose to take BS Psychiatry because of my girl, she is a Psychopath. For her seeing blood makes her alive, hearing painful shouts is like listening to beautiful music.

“Deather is on his way, doon ka muna sa condo niya dahil gagawa muna ako ng paraan para ma dispatya iyang katawan ng katulong mo. And also mag wiwithdraw ako ng pera para ibayad doon sa pamilya niyan,” tukoy ko sa katulong.

“Do whatever you want to do, I don’t care.” Sagot lang nito at tinalikuran ako.

Napailing na lang ako sa sagot nito. Dati tutol ang parents ko sa relasyon namin lalo pa noong nalaman nila ang tungkol sa sakit ni Demi. But I love her, she is my everything. Parang hindi kumpleto ang pangarap na binubuo ko kung wala siya sa tabi ko.

Napaigtad ako ng biglang tumunog ang doorbell. Sumilip muna ako sa maliit na butas sa pinto bago ito buksan.

“Tuloy ka,” pagpapapasok ko kay Deather.

“Where is she?” Tanong agad niya pagkapasok.

“In her room, ikaw na ang bahalang kumausap sa kanya. Ayokong maging dahilan ang bagay na ‘to ng pag aawayan namin,” saad ko.

Tumango naman ito at pumanhik na papunta sa kwarto ng kapatid niya. While me? Ito nag iisip nang gagawin sa bangkay ng katulong niya.

I’m just lucky that my family has the power in our community. Kalahati ng bayang ito ay pag aari namin habang ang kalahati naman ay pag aari ng pamilya Gazon, pamilya nila Demi.

Agad kong tinawagan ang mga tauhan ni Dad na siya ring pinagkakatiwalaan ko. I know they can dispose this body easily and also tinawagan ko rin ang butler ko para mag withdraw ng 3 Million para ibigay sa pamilya ng katulong na ito.

Nakaupo ako ngayon sa sofa ng biglang may natanggap akong text message.

“The money was already received. They also promise to keep their mouth shut for they know what will be the consequences if they try to talk.”

Pagkabasa ko ng text ay nakahinga ako ng maluwag. Maya-maya pa ay may nag doorbell na naman kaya tumayo ako at pumunta sa pinto. As usual tinitignan ko muna sa maliit ng butas bago pagbuksan.

Nakita ko agad ang mga mukha na kanina ko pa hinihintay. Pinagbuksan ko sila ng pinto, agad naman silang nag bow bago pumasok.

“The family already knows what happened to her, but still we disposed of her body properly. Mahirap na at baka mangamoy.”

Nakuha agad nila kung ano ang ibig kong sabihin.

“Consider it done, boss.” Sagot ng leader nila na ikinatango ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng mga tao ko ng bumaba ang magkapatid. Kumunot naman ang noo ko ng makita ang mukha ni Demi na parang binagsakan ng mundo.

“What’s wrong with you?” Agad kong tanong.

“Ayaw kasing makinig sa mahinahong usapan, kaya ayan napagalitan.” Sambit ni Deather habang bitbit ang maliit na maleta niya.

Takot kasi si Demi sa Kuya niya, pero mas takot siya sa Ate nila. For sure pinagbantaan na naman siya ng Kuya niya na isusumbong siya sa Ate nila kapag nakauwi na ito kaya ganyan ang pagmumukha niya.

“Stop doing that face, langga. Papangit ka lalo niyan eh,” pang aasar ko.

Demi is 23 years old pero hindi na siya pumapasok sa School. Last kasing pasok niya ay na comatose ang teacher nila.

“Si Kuya kasi eh,” sagot lang nito.

“Okay tama na ‘yan. Let's go na Demi.” Pag aaya ng Kuya niya.

Humalik naman ito sa pisngi ko bago umalis ng condo niya. Samantalang ako ay naiwan kasama ang mga tauhan ko.

“Some of you ay magpaiwan dito. Tulungan niyo akong linisin ang condo niya,” saad ko at tumango naman ang iba habang ang iba naman ay umalis na dala ang bag na pinagsidlan ng bangkay.

Maghapon kaming nag linis ng condo ng girlfriend kong isip bata pero kapag inatake ng sakit niya ay parang wala na sa sarili. Daig pa nito ang isang leon na walang takot manlapa ng kanyang prey.

I can still remember the first time she killed someone.

FLASHBACK

[“L-Langga?”] nauutal at umiiyak niyang sambit pagkasagot ko ng tawag niya.

“Hey, Langga what happened?” Nag aalala kong tanong.

[“N-Nakapatay ako.”] Sagot niya at umiyak naman ulit.

Agad naman akong naalarma, mabilisan kong niligpit ang mga gamit ko at lumabas ng classroom namin.

“Colton saan ka pupunta?” Tanong ng tita ko na siya ring teacher ko.

“Demi needs me tita, I have to go.” Hindi ko na hinintay ang sagot ni tita at umalis na.

Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong pumasok sa kotse ko. Mabilis ko itong pinaharurot papunta sa condo niya.

Pagkarating ko ng building kung nasaan ang condo niya ay patakbo akong pumunta sa unit niya.

“Langga!” Agad kong tawag sa kanya pagkabukas ko ng pinto.

I saw her shaking at the corner. In front of her was her maid na naliligo sa sarili nitong dugo at sa tabi naman niya is ang isang bread knife na punong-puno ng dugo.

“H-hindi ko s-sinasadya langga.” Umiiyak habang nanginginig na sambit niya.

Mabilis naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Wala akong makialam kung ma-manstahan ng dugo ang puti kong uniporme. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang ma comfort siya.

Habang inaalo ko siya ay naramdaman ko ang pagbigat ng katawan niya. Nahimatay siya.

Agad kong tinawagan ang ate niya para siya ang mag asikaso sa kanya lalo na ang pagbihis sa kanya.

Binuksan ko naman ang app ko na kung saan naka connect ang cctv na nilagay ko sa unit niya.

I saw everything, mula sa bangayan nila ng katulong niya hanggang sa pagkuha niya ng bread knife at ang pagsaksak niya dito ng walang awa. Para siyang wala sa kanyang sarili.

Pagkatapos niyang gawin ‘yun ay agad siyang tumawa ng napakalakas pero hindi kalaunan ay bigla siyang nanginig at nag iiyak.

END OF FLASHBACK

Once again, I’m Colton Alovero and My Girl is a Psycho.

MY GIRL IS A PSYCHO [COMPLETED]Where stories live. Discover now