KABANATA XIII

1.6K 67 3
                                    

"Coronary Artery Disease" Aniya na ni Dra. Vidanes ng magsimula na ang meeting ng department namin nila Gwen sa conference room.

"Dra. Lim" Rinig ko pang usap sa akin ni Dra. Vidanes kaya napa ayos naman na ako ng upo.

Senior ko pa rin ito. At walang anak anak ng may ari sa ganitong trabaho.

"It is caused by plaque buildup in the wall of the arteries that supply blood to the heart"

"When the hearts blood vessels, the coronary arteries become narrowed or blocked and can't supply enough blood to the heart"

"It can lead to angina and/ or a heart attack"

"Go on, Dra. Apuli" Usap na nito kay Gwen kaya bahagya pa nitong napalingon sa atin.

Mukhang alam na rin niya ang mangyayari.

"Plaque buildup causes the inside of the arteries to narrows over time and that proccess called atherosclerosis"

"There are three types of coronary artery disease, the abstructive cad, non-abstructive cad and spontaneous cad" Aniya na ni Gwen kaya agad naman napatango ang ilan pa namin mga seniors.

"How about the non-obstructive coronary artery disease, Dra. Lim?" Tanong pa ulit ni Dra. Vidanes.

"Non-obstructive coronary artery disease, still cause many of the traditional symptoms of the coronary artery disease such as chest pain or shortness of breathing"

"Many people with non-obstructive coronary artery disease experience angina, or chest pain. It can develop in anyone, it's most common in females" Mahabang diskusyon ko sa kanila.

"All right, Dra. Apuli and you also Dra. Lim, kayo ang iaasign ko para sa mga lab tests at surgery ni Ms. Jasmine Henry" Aniya na ni Dra. Vidanes kaya agad naman kaming gulat na nagkatinginan ni Gwen.

"Sorry, Dra. Nino nga po ulit?" Paninigurado pa ni Gwen kaya agad din naman akong napatingin ulit kay Dra. Vidanes.

"Ms. Jasmine Henry, Dra. Apuli" Sagot nito kaya gulat naman napatingin sa akin si Gwen.

Yeah, I'm doomed, Dre. I know.

"Sa case ni Ms. Henry, siya ay may non-obstructive cad, i hope you treat her well, Dra. Apuli and Dra. Lim" Aniya pa ni Dr. Laurenti sa amin.

"Ipapadala na lang namin sa mga office ang ilan pang mga result ng test at ilan mga papers niya tungkol sa mga past na gamutan niya para mapag aralan niyo ang tungkol sa sakit ni Ms. Henry" Dagdag pa nito kaya napatango na lang naman kami ni Gwen.

Ilang saglit pa kami nag meeting about sa mga possible treatment na maaaring gawin at ilan sandali pa ay natapos na ang meeting at tahimik na lang naman kaming lumabas ng conference room ni Gwen.

"Dre, mukhang ikaw pa ikakamatay ni Jaz kapag nakita ka e" Usap sa akin ni Gwen ng maupo na kami ulit kami sa bench sa hallway.

"Anong mga mukha yan?" Tanong na ni Colet ng makita kami ni Gwen.

"Pasyente namin si Jaz" Diretsong sagot ni Gwen kaya gulat naman silang napatabi sa amin ni Jhoana.

"Gago ka dre! Ikaw ba nirequest niyang doktor? O desisyon nila Dra. Vidanes?" Tanong ni Jhoana sa akin at nagkibit balikat na lang naman ako.

"Yan sinasabi ko sayo e, yan kalandian mo kasi ilugar mo, paano kung gustong gusto ka talaga nung isang yon? paano kung may plinaplano? Yare ka sa misis mo tanga!" Pangaral na ni Colet sa akin.

Si Jaz Henry ang isa sa mga naka fling ko noon, maayos naman kami noon, cool, nagkakasundo naman pero hindi talaga e, si Aiah pa rin talaga e. Aware akong nasaktan ko si Jaz pero anong magagawa ko kung hindi talaga? At ngayon na ako ang magiging doktor niya, mukha bang mapapagaling ko ang isang to? baka ikamatay pa nito ang pagkita sa akin.

"Hindi naman siguro, huwag naman sana, tsaka mabait naman si Jaz" Nasabi ko na lang at napahinga ng malalim.

"Jowain mo na lang kaya para gumaling kaagad? Hindi ka pa mangangamba kung gusto ka lang siraan o ano, di ba?" Aniya pa ni Gwen kaya agad naman siyang binatukan ng dalawa.

"Si Aiah nga mahal e" Aniya pa ni Colet.

"E may jeremy na si Aiah ah" Rinig ko pang sagot ni Gwen kaya napailing na lang naman ako.

"Gawin na lang natin dapat natin gawin" Nasabi ko na lang kay Gwen kaya tumango naman na ito.

"Sasabihin mo ba kay Ate Aiah ang tungkol dito?" Tanong na ni Jhoana kaya umiling naman na ako.

"Wala naman dahilan para sabihan ko pa to sa kaniya, trabaho ko to at pasyente ko lang si Jaz"

"Sige na, una na ako" Paalam ko na sa kanila at naglakad na palabas ng hospital.

Talaga naman oh.

Pag uwi ko sa bahay ay agad naman akong nakatanggap ng text mula kay Aiah na hindi siya makakauwi ngayon at huwag ko na siyang hintayin.

Hindi ko naman na namalayan na nakatulog na ako sa sofa at nagising na lang ako ng nakatanggap ako ng tawag mula kay Gwen.

"Dre, sinugod ngayon si Jaz dito sa hospital" Bungad niya agad naman akong napabangon sa kama ko.

"Sige sige punta na ako" Usap ko na at mabilis na kinuha ang susi ng kotse ko.

"Jaz henry" Usap ko na sa isang nurse.

"Emergency room dra"

"Nandon na si Dra. Apuli?" Tanong ko pa rito.

"Yes po, Dra. Lim" Napatango na lang naman ako at dali daling pumasok sa er.

Ginawa naman namin ni Gwen ang dapat namin na gawin at makalipas lang ng isang oras ay stable na ulit si Jaz kaya agad naman na namin pinalipat sa private room nito.

Si Gwen naman na ang kumausap sa pamilya ni Jaz habang binilin ko naman na sa ilang mga nurse na magdadala kay Jaz sa private room ang iba pa nilang dapat na gawin.

"Ikaw ba haharap kay Jaz pag gising niya o ako na lang?" Tanong ni Gwen kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Tayong dalawa na, total tayo naman talaga mga doktor niya ngayon, patawag mo na lang ako sa office ko kapag nagising na siya" Sagot ko sa kaniya kaya taka naman siyang tumingin sa akin.

"Pero naka leave ka pa, hindi ka ba uuwi? Paano si Aiah?" Takang tanong niya sa akin.

"Malungkot sa bahay, wala misis ko"

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now