KABANATA XV

1.6K 90 7
                                    

"MIKHA TARA NA!"

"MIKHA TARA NA! UMINOM NA TAYO!"

"PABAYAAN MO YAN SI BUNSO!"

Rinig na namin sigaw ng kuya ni Aiah sa labas ng kwarto kaya mas lalo naman humigpit ang yakap nito sa akin.

"Siya ang pabayaan mo" Bulong na niya kaya napangiti na lang naman ako.

"MIKHA"

"AIAH"

"MIKHAIAH"

Sigaw pa nito kaya inis naman ng tumayo sa pagkakahiga nito si Aiah at inis na binuksan ang pinto ng kwarto niya.

"Kuya naman" Angal na nito.

"Ay bunso! masyado mo naman yata sinosolo si Mikha, peram naman muna kami ni Daddy" Asar pa nito sa kapatid kaya napasunod na lang naman ako sa kanila.

"Sige kuya, sunod na lang kami sa baba ni Aiah" Usap ko na sa kaniya kaya agad naman siyang tumango at ginulo pa ang buhok ng kapatid.

"Sayo naman yan, ikaw talaga" Asar pa nito kaya tinarayan na lang naman siya ng bunsong kapatid.

Kukulit

"Samahan ko lang sila uminom, papalakas lang ulit ako sa daddy at kuya mo" Nakangiting usap ko na sa kaniya at agad niya rin naman ako tinarayan at nahiga na ulit sa kama niya.

"Edi bumaba ka na ron, tutulog pa ako" Aniya niya kaya agad naman akong lumapit sa kaniya at nagsuot na ulit ng sapatos.

"Aiah" Tawag ko pa sa kaniya.

"Hmm" Nakapikit na sagot niya.

"Baba na ako"

"Okay" Walang ganang usap pa niya kaya natawa na lang naman ako.

Moody neto, hindi ko na rin maintindihan e.

"Okay, bye" Paalam ko na at hinalikan ko na ng mabilis ang noo niya.

i love you.

Pagbaba ko sa baba ay sakto naman na nandon na ang kuya ni Aiah kaya agad naman na akong niyaya nito sa garden nila.

"Kuya, si tita?" Tanong ko na sa kaniya ng maupo na kami.

"Tita? Hindi ba mom na dapat?" Takang tanong na nito sa akin.

Magkapatid nga sila ni Aiah.

"Nagpapahinga na, kaya hindi na muna makakasama sa atin si daddy ngayon" Usap na niya at inabot na sa akin ang bote ng beer na siyang agad ko rin naman tinanggap.

"Kamusta? Tagal na nung huling inom natin ah, kayo pa ni bunso non" Biglang usap pa niya kaya napatango na lang naman ako.

"Ito doktor na, gaya ng plano. Dalawang taon na rin halos o magtatatlong taon na rin nung mahgiwalay kami" Sagot ko.

"Matagal tagal na rin pala" Usap pa niya kaya napatango na lang naman ako.

Makalipas ng halos na pag iinom at kwentuhan patungkol sa kaniya kaniya namin trabaho at mga plano sa buhay ay muli nanaman niyang binalik ang usapan tungkol sa amin dalawa ni Aiah.

"Nabanggit mo kanina na magtatatlong taon na kayo halos mula nung maghiwalay kayo" Biglang usap ulit niya kaya napatango na lang naman ako at uminom na ulit ng beer.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now