Chapter 4

203 6 0
                                    

Nilaro ng daliri ni Hades ang rim ng wine glass na nakapatong sa mesitang nasa tabi ng kinauupuan niyang sofa. He wore an expensive suit, and was sitting like a king on his throne. Nakikita niya pa rin sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ni Proserpina habang hinahawakan niya ang katawan nito.

The kitten really is a virgin, he thought, pleased. Wala naman siyang pakialam kung may karanasan na ito bago pa ito ibenta ng madrasta nito sa kanya, ang mahalaga ay wala nang ibang puwedeng umangkin dito ngayong naririto na siya. But if truth be told, he was pleased to know that he will be her first.

Now, there's no way he's letting her go.

Kumurba ang matalas na ngiti sa mapupulang labi ni Hades. The color of his lips had been accentuated more because his skin was pale like the winter snow and he hated it. But maybe he was born that way for he's to become a cold and cruel man.

Mahaba ang buhok niya na umabot hanggang balikat at kasing-itim ng obsidyan, kagaya rin ng kulay ng kanyang mga mata. Palaging nakapusod ang kanyang buhok.

"Boss," untag sa kanya ni Morris. Pormal ang Consigliere at may salamin sa mata. Morris was an orphan brought to Kratos group by his grandfather when he was just seven years old. Magkasing-edad lang sila ni Morris. Wala na raw itong pamilya at nagpresenta ang matandang de Crassus na kupkupin ito. Ang kapalit ng pagkupkop dito ng matanda ay ang habambuhay nitong pagsisilbi sa kanya.

Hindi naman din sila gaanong nag-uusap, subalit sa kung anong kadahilanan ay nagkakaintindihan sila. Morris was always there for him. He became his shadow.

Si Lukas naman ay anak ng ama niya sa isa sa napakaraming babaeng ikinakama nito. He grew up with his mother, because their father was the biggest arsehole of all, who refused to raise a child other than the son he had with his legal wife. Siya iyon. Good thing the arsehole died early. He was ambushed. Kalaban ng Kratos ang pumatay dito. Sa kasamaang palad ay kasama nito ang asawa sa kotse noong pagbabarilin ito. Kaya maaga rin siyang naulila sa mga magulang.

Nasa kolehiyo na siya nang makilala niya si Lukas. Kilala siya nito. Marahil ay nasabi ng ina nito rito ang tungkol sa kanya. Lumapit ito sa kanya at humingi ng tulong upang makaalis sa poder ng mapang-abuso nitong ina. Tinulungan niya ito at ipinasok sa Kratos.

"Boss, ano ho ang gagawin natin kay Ms. Cruzadas?"

"Wala tayong gagawin sa ngayon. Dito lang siya."

Tumikhim ito, at inayos ang salamin sa mata. Tinatantiya nito ang emosyon niya bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayaw pa ring kumain ni Ms. Cruzadas."

Tumaas ang kilay niya. Pangalawang araw na ni Proserpina sa poder niya. May sarili itong banyo sa loob ng silid na kinaroroonan nito na kumpleto sa mga gamit na maaari nitong kailanganin. Pero ang silid na iyon ay walang bintana. He didn't really like windows. That was his old room, before he moved to a bigger one. Kahit kung tutuusin ay napakalaki na rin ng kuwartong iyon.

Kahapon ay buong araw itong hindi kumain. Kaninang umaga ay hindi rin nito ginalaw ang pagkaing inakyat ng tauhan niya sa silid nito. Ngayong tanghalian ay ayaw pa rin nitong kumain?

"The kitten wants to starve herself to death," walang emosyon niyang sambit. Tumayo siya at sumulyap sa hagdan patungong ikalawang palapag ng mansiyon kung saan naroroon ang kuwarto ng dalaga. "I'll feed her myself."

NAPAIGTAD si Proserpina nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kanyang silid. Matatawag nga ba niyang silid ang magarang lugar na iyon? Mas dapat sigurong sabihing kulungan ang pinaglagyan sa kanya ni Hades.

He was detaining her, and it wasn't right. But then again, he's the notorious boss of the largest and most powerful of all Mafia groups. And the Mafia wasn't exactly law-abiding.

SOLD TO THE HEARTLESS MAFIAWhere stories live. Discover now