ANG DAPIT HAPON

23 1 0
                                    

"ANG AKING DAPIT HAPON"

#cttomrxb8008

Ito yung gusto kong makita sa dapit-hapon.
Kung saan sa nakaraan ako'y nadapa,
Ang tanging maaalala ko lamang,
Ay ang tamis ng tagumpay.
Sa aking pag bangon at sa pag bangga ng nagraragasang alon ng buhay.

Hindi yung mapapait na ala-ala na mag papa-alala,
sa mga bagay na nagpapalala pa,
ng sugat saking puso.
Gusto ko ng pagpapala!

Kaya sana pagdating ng araw, pag unti unti nang pumupula ang bughaw ng langit.

Yun na yung klase ng dapit-hapon
Na aking asam-asam at ninanais.

At gusto kong mabanggit
Bago tuloyang pumikit.

"Salamat mahal ko di mo ko
Pinabayaan,
Iniibig kita lagi mong tandaan yan,
Sa huling pag kakataon patikim ng
tamis at ligaya ng una kang mahagkan"

Pwede na ba'kong sumalangit? yun nalang.
Mahal paalam."

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: May 12, 2023 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

ANG AKING DAPIT HAPONWo Geschichten leben. Entdecke jetzt