chapter 1 : The childhood

61 0 0
                                    

His P.O.V

" Nak , kita mo yung batang yun," turo nito sa batang lalaking naka orange , mukhang maganda ang tela nitong suot at may iba pang accessories ang katawan , tumango ako at muli siyang nagsalita

" sya si Damien jace Handel , his family is very powerful in our country , his father is an politician and his mother is a very famous business woman , kaedad mo sya Rafael pwede makipag friend ka sakanya para naman lumakas ang business ni daddy?" Sabi nito sa akin na aking kinabigla ,(talaga bang gagamitin mo ang huli mong anak para dyan sa pera?)

Tumikim ako at tinignan ito " Pa , baka naman ayaw nya ko kaibiganin dahil hindi nya ko kasing yaman"

iniluhod nito ang kabilang paa at tinipo ang ulo ko "mabait yan si damien nak, wag kang mag alala" sabay yakap saken.

Napa tikhim nalang ako at pawang pinipigilang umiyak, (buti naman at nag bago kana Pa, hindi kana gaya ng dati)

Let me introduce myself , I'm Rafael felix Taruma, bunso sa magkakapatid ,

let's say na kami nalang ang mga anak nya kase namatay yung anak nya sa first wife , so second family niya kami , i grew up na my business sila ni Mama , nakukuha ko ang mga bagay na mamahalin para sa iba

, dati normal na town lang ang tinitirhan namin hangang sa lumago ang business ni Papa kung Kaya't lumipat kami sa isang subdivision sa Manila , pero gusto nila akong magaral abroad para daw mas yumaman pa kami in the future .

Isang araw may pamilya ng mga americano ang lumipat sa subdivisions namin , halos tapat lang naman ang bahay namin , at manghang mangha ako sa batang nakatira sa tapat ng bahay namin dahil kitang kita ko ang magagarang mga gamit pag naglalaro sila ng kapatid niya sa labas ng bahay, Si Papa ang nag introduce ng pangalan nya saken , hindi ko tatangihan si Papa , dahil gusto ko ng maraming maraming kaibigan.

After ng araw na yun lagi ko syang sinusundan , kase interesado den ako sakanya , saka ko lang nakita ang napaka ganda nitong mga asul na mata , at ang kanyang golden brown na mga buhok , at ang magaganda niyang mga ngiti tuwing may babati sakanya , ngunit basag sa munting kasiyahan , napansin ko rin na wala masyadong may gusto na kaibiganin siya , siguro dahil masyado syang makapangyarihan o sadyang sosyal lang sya tignan kaya hindi nila sya matangap.

Isang araw sa may play ground , 3 blocks sa bahay namin na magkatapat lang halos , nakita ko syang nakikipag kaibigan sa apat na batang lalaking naglalaro ng football , bigla siyang tinulak at sinabihan ng " wag ka na maglaro , madudumihan lang ang magara mong damit at baka umiyak ka lang pag natumba ka " sabay tawa nila , nakita ko siyang nagpipigil ng naluluha. Tumayo sya at ipipilit pa sana nang sumali ako sa usapan  "pwede bakong sumali? James? " Tanong ko bigla itong tumango ngunit nagsalita pako " gusto ko siyang isali James, pwede ba?" Agad naman itong tumingin saknya ng marahan "sige na nga , basta wag siyang iiyak pag nagasgasan sya ha." Ngumiti naman dito si Damien at sinimulan ng hubadin ang magandang tela na nakabalot sa katawan nya , at nakipag laro samin. Nakita ko sa nga mata nya na masaya sya , at may talent sya sa larong to. Habang nag lalaro kami namangha ako , dahil napakagaling nyang maglaro , napaka flexible nya gumalaw at umagaw ng bola , pwede syang mag player ng soccer balang araw.

Pagkatapos namin maglaro nagpasalamat sya sakin at gusto nya kong maging kaibigan , sabi pa nga niya "Hi , maraming salamat sa tulong mo kanina ah , naranasan ko ring may kalaro " agad naman akong sumangayon dito "walang anuman, basta ikaw" may dinagdag pa siya at sinabing "pwede ba kitang maging kaibigan?" Simula dun alam ko ng malapit ko ng magawa yung gusto ni Papa "oo naman , ako nga pala si Rafael" nakapag kamay ito at sinabing "nice to meet you Rafael , ako si Damien jace".

Nang mag simula kaming maglaro sa bahay niya ay napag alaman kong talaga ngang napaka yaman nila , at madali niyang na nakukuha nya lahat ng gusto nya dahil sa pagiging bunsong anak nito ,meron syang panganay na kapatid ,his name is David 7 years ang gap nila.

he become that kind of  friend na laging naka sunod saken , siguro dahil wala masyado siyang kaibigan at ako ang pinaka marami dito.

Fast forward tayo sa araw ng school year , Grade 2 kami nun , nang ipakilala nya ang babaeng alam kong mamahalin ko , i still don't know her name yet , pero tandang tanda ko ang kulay light brown nyang mga mata at ang kanyang buhok na kulot , nagulat ako ng mapansin kong malapit ito kay Damien na agad kong ikinalungkot dahil parang may kaagaw ako...Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko nun dahil alam ko namang hindi straight si Damien, pero my guilt parin nun saken.

After school , sabado
Naglalaro kami sa garden nila ng tagutaguan , kasama ang iba kong mga kaibigan , parehas kami ng pinagtaguan , dun sa may sulok ng rose maze na ginawa naming taguan , nagulat ako nang may tumulak sa likod ko , at nahalikan ko ang mga labi nya.  after that kiss , that accidentally happened habang naglalaro kami napansin kong lalo syang napalapit saken , we're seven year old that time ... you confess that you like me , alam mong hindi ako gay Damien... pero bakit yun ang sinabi ko ugh tanga tanga tanga!! Sigaw ko sa sarili habang hinahampas ang ulo ng maka ilang beses ..

Flasback

"Rafael , I LIKE YOU " sabay yuko nito at tingin sa mga palad kong hawak niya , agad ko itong kinuha at nagpakawala ng malamin na bugtong hininga "DAMIEN ALAM MONG HINDI AKO BAKLA , BUT WE CAN STILL BE FRIENDS NO MATTER WHAT YOUR GENDER IS , BASTA WAG KANG MAGTATAKA O MAGAGALIT PAG NAINLOVE AKO SA BABAE HA?" dahil sa sinabi ko ay nabuhayan ang mata nito at niyakap ako. "Oo Rafael Promise"

Pretending to be Gay to have youWhere stories live. Discover now