Kabanata 10

64 2 0
                                    


Mimi calling...

Nakahinga ako nang maluwag at napapikit; nagpapasalamat na hindi si Gunther ang tumatawag sa akin kundi si Mimi.

I can't imagine him calling me when we're at the same place. That would be the end for me!

"Hello, bessy!" masiglang pagsagot ko kuno at tumingin saglit kay Gunther.

He tore off his gaze and continued manipulating his phone.

"Nasa'n ka bang babae ka?" ani Mimi sa kabilang linya.

"Bakit?" tanong ko.

"Kanina pa kita hinahanap! May ipapagawa si Ma'am sa 'tin!"

Ngumuso ako at mahinang nagsalita.

"Hindi ba p'wedeng ipagpabukas 'yan, bes?" Sumulyap ako kay Gunther.

Tamang tama nga ang pagtawag niya sa akin pero napaka-wrong timing naman na aalis ako dito! Sayang 'yung moment na makakasama at makakausap ko si Gunther!

"Now na, bessy! Magkita tayo sa room. Bye!"

"Mimi-"

Binabaan na niya ako. Ngumuso lalo ako at tumingin kay Gunther.

Bwisit naman kasi!

Padabog kong niligpit ang mga gamit ko. Napansin niya 'yon kaya napalingon siya sa akin. Lumingon ako sa kanya at ngumisi nang peke.

"Aalis na ako. May...gagawin kasi kami."

Tumayo na ako at nagpagpag ng palda. Tumingin lang siya sa akin. Alanganin kong iminuwestra ang daan bilang paalam.

"Alis na ako," muling paalam ko habang nakangiti.

Hindi pa rin siya umimik hanggang sa tumalikod na ako at ngumuso. Hawak ko ang magkabilang strap ng back pack ko at marahang naglakad.

Nakarinig ako ng pagtalon at nang lumingon ay nakita kong sumusunod na rin siya.

"Aalis ka na rin?" Bahagya akong nagulat.

Hindi siya nagsalita at kalmado lang na namulsa. Nang tumingin siya sa akin ay nalusaw na naman ang puso ko.

Oh, please lang. 'Wag mo 'kong tignan nang ganyan. Lalo akong...nahuhulog sa 'yo.

Umiwas ako ng tingin at kinagat nang mariin ang labi.

Get a hold of yourself, Frances! You're just sixteen!

Sabay nga kaming bumaba ng building ni Gunther. Ako ang nauuna at siya nasa bandang gilid ko sa likod. Sinasadya kong bagalan ang paglalakad ko para ma-enjoy ko ang moment na 'yon. Pigil na pigil ang kilig ko knowing na nasa likuran ko lang siya.

Nang nasa lobby na at palabas, nakasalubong namin ang grupo ni Helen. Napadahan dahan sila at tuluyan nang tumigil sa gilid. Humalukipkip sila habang sumusunod ng tingin. Walang umimik ni isa. Wala ring nakangisi. Parang nagugulat lang sila na magkasama kaming bumaba.

Napangisi ako nang palihim doon. I don't know how influential Gunther is, here. But base on what just happened, to see those bullies fold, means something.

"Ah, nga pala-"

Lumingon ako sa likod ko para kausapin siya pero nahinto ako nang makitang malayo na pala siya at nasa ibang direksyon na. Bumagsak ang balikat ko pero agad ding ngumiti.

It's okay. I told myself. At least, he did me a favor without him knowing. Malaking bagay na 'yon sa akin.

Dumiretso na ako sa classroom at nakipagkita kay Mimi. Inutusan kami ng teacher na makipagpalitan sa food booth ng section namin. Mayroon kasi kaming stall ng hotdogs and drinks. At kami na ang inatasan na magbenta sa hapon.

Termination of DesireWhere stories live. Discover now