Kabanata 12

155 5 4
                                    

Sumilong kami ni Cyd sa ilalim ng isang kubo na malapit sa venue. Iilan lang ang pumunta roon. Karamihan kasi piniling dumiretso sa restaurant.

Kuyom ang mga kamao akong umiwas ng tingin bago pasimpleng pinunasan ang mga mata ko.

"Nakita ko," sabi niya. "Narinig ko rin."

Bumuntong-hininga ako at ibinalik ang paningin sa kaniya, hindi na tinapos tuyuin ang mga luha.

"Sabi mo kanina may couples na mahilig mangarap, pero ang mga may effort lang na manatili sa isa't isa ang nakatutupad, 'di ba?"

Hindi ako nagsalita at hinayaan siya.

Tiningnan niya ako. "Kasama ang ex mo sa mga hindi nanatili kaya hindi na worth it isipin ang pangarap o pangako niya noon. Sinabi lang kasi out of happiness. Walang mean na tuparin."

"A-anong point mo?" tanong ko.

Lumunok siya nang marinig siguro ang talas ng tono ko. "Ang punto ko lang, 'wag mo na i-keep o asahan ang mga sinabi niya. 'Wag mo na ipagmaktol. Alam kong may injustice pero hindi talaga worth it, Kuting."

Nagbaba ako ng tingin.

"Kakaisip mo sa mga iniwan niyang pangako at salita, baka maloko ka na naman kung sakaling bumalik siya. Imbis na sagutin mo akong depende-na oo rin ang ibig sabihin, sagutin mong hindi. Ulit-ulitin mo sa sarili mo at 'wag kang magpa-betray sa puso mo, 'yon ang i-keep mo. Hindi ang mga bagay na lumipas na."

"Nami-miss ko siya."

Tumahimik sa banda niya dahil sa biglaan kong sinabi. Samantalang, nangibabaw ang paglakas ng ulan at umaampiyas na 'yon sa banda namin.


Nilayo niya ako mula roon at siniksik sa loob kung saan nakasandal na kami sa upuang gawa sa kawayan.

"Sabi ng puso mo?" tanong niya.

Ngumuso ako at tumango.

"Normal, kaya hahayaan kita. Pero ang tanga at the same time pakinggan, 'di ba?"

"Comfort ko siya."

"Alam ko."

"Kaya miss ko siya."

Muli niya akong tiningnan. "Mabigat ang loob mo kaya mo siya hinahanap? Gano'n ba?"

Tumango ako.

"Siya ang dahilan niyan, ah? Sabagay, kung sinong nagkasala sa atin, sila pang mas hinahanapan natin ng comfort at encouraging words. Bakit sa tingin mo, Kuting?"

"Kasi sila ang mas nakakaintindi at gusto natin ng sorry," sagot ko.

Tumango siya nang tumama ako. "Tama pala ang hula ko? Hindi siya nag-sorry sa 'yo."

"Wala naman siyang dapat ihingi ng sorry."

"Ang gulo mo, 'no?" Bumakas ang inis sa boses niya.

Pero ang cute sa pandinig ko dahil tuminis 'yon.

"Pero alam mo para sa 'kin, may isa pang dahilan kung bakit nami-miss natin ang mga taong once nating minahal."

TakasWhere stories live. Discover now