Kabanata 13

142 6 1
                                    

"'Wag tayo manatiling strangers sa isa't isa." Iyon ang huling sinabi ni Cyd bago niya ako iniwan nang panandalian.

Yumupyop at sumandal ako sa counter ng shop habang hinihintay siyang bumalik pagkatapos sabihin kay Kim na ayos lang ang shop at walang leakage.

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari.

Parang hindi ko kasi deserve na tanggapin lahat ng magagandang bagay na sinabi niya. Gusto ring bumuhos ng mga luha ko dahil naramdaman ko kung gaano niya ako pilit na inintindi. Kakaiba siya-o ganito lang talaga sa simula?

Umayos ako sa pag-upo nang marinig ang bell ng pintuan. Bumalik na siya dala ang dalawang bote ng soju sa kanan niyang kamay at isang tray ng chips sa kabila.

"Inom tayo, okay lang?" kaswal niyang tinanong.

Tumango ako kahit nabigla.

Umupo siya sa tabi ko at inabot ang gin na binuksan niya gamit ang ibabaw ng counter.

"Sanay kang magbukas," biro ko.

"Tanggera ako sa inuman, e."

"Tanggera?"

"Taga-bigay ng shots o tagay. Marami ka pa talagang hindi alam, 'no?"

Tumango ako.

"Kapag tanggera ka ikaw ang huling malalasing. But this time, sabay tayong iinom. Kaya good luck kung mababa ang alcohol tolerance mo."

Dumapo ang paningin ko sa bote. "Hindi ko sure kung mababa ang alcohol tolerance ko."

"No worries," sabi niya. "Pipigilan kita kapag nakita kong hindi mo na kaya."

Tipid akong ngumiti at tinungga ang bote. Awtomatikong rumehistro sa lalamunan ko ang mapait at maanghang na lasa ng alak.

"Hinay-hinay, hindi 'yan soft drinks!" Tinawanan niya ako nang makitang mamula. "Ang cute mo talaga, 'no?"

"N-nabigla lang ako," dipensa ko.

Muli kaming natahimik at binalot ng pinaghalong ingay mula sa labas, sa pagpatak ng ulan, mga hiyawan, at tugtugan ng mga banda sa resort na umabot sa loob ng shop. Mistula kaming nanonood sa concert pero walang visual. Iyon ang gustong mangyari ni Cyd kanina. Ang galing ng tadhana dahil nandito kami ngayon.

"Anong zodiac sign mo?" tanong niya.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ang out of nowhere," ani ko.

Tumawa siya. "Curious lang, uso kasi ngayon na magtanong ng zodiac sign para malaman kung compatible sa isa't isa."

"Libra ako," sagot ko.

Nagparte ang labi niya. "September o October?"

"September."

"Wow, balita ko mababait kayo?"

Umiling ako. "Kapag na-trigger, hindi."

"Most flirtatious sign din daw." Ngumiwi siya sa takot na maka-offend.

Nagkibit-balikat ako. "Ikaw, ano ka?"

TakasWhere stories live. Discover now