Alam Mo Ba?

29 1 0
                                    

Alam mo bang madalas nasasaktan ako?

Minsan naiisip kong wala akong halaga sa'yo.


Alam mo bang sa kabila ng pagtatampong ito,

Nananatili pa ring matatag ang pagmamahal ko sa'yo.


Alam mo bang minsan naiinis ako?

'Pagkat may mga oras na wala ka sa tabi ko.


Sa pagdaan ng mga araw, sinasabi ng puso ko,

Ikaw pa rin talaga kahit tayo'y magkalayo.


Alam mo bang sobrang selosa ako?

Makasarili mang tingnan, pero kailanga'y atensyon mo.


'Pag binabalewala, syempre nasasaktan ako.

Pero nangingibabaw pa rin, pagmamahal ko sa'yo.


Alam mo naman sigurong minamahal kita.

Itanong mo pa sa kanila para maniwala ka.


Ikaw lang ang mahal ko, wala nang iba pa.

Kaya sana ngayon, alam mo na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alam Mo Ba?Where stories live. Discover now