Simula

11 2 0
                                    

"Ang lakas talaga ng karisma mo Pare!Akalain mo,san ka man magpunta ay may humahabol sayong chics"

That made me smirked.

"Si Theo pa ba!Eh halos lahat ng babae sa campus ay may gusto sa kanya"

Now, I smiled confidently.

"Sus!Ano ba kayo!Araw-araw nang ganyan ang buhay ko, di pa kayo nasanay" mayabang kong sabi

Tinalunan naman ako ng kambal kong kaibigan sabay akbay at ginulo pa ang buhok ko

"Aishh!Ano ba Yughan,Lughan!Masisira niyan buhok ko e"maktol ko na sinabayan pa ng pag-ayos ng nagulong buhok.Kahit wala naman talaga.

"But this question kept bothering me" napabaling ako kay Dustin "Why do girls always fall in love with this kid" he teased and mess my hair again.

"I'm not a kid" kunot noo kong tanggi sabay ayos na naman ng buhok ko. Aish! Isang oras ko pa naman tung inayos.

"Of course you're not a kid" nakangiting ani Fio. Napangiti din ako. Talagang mabait si Fi------"You're just immature" he added at sabay sabay silang natawa hanggang sa natigok sila.Mga pesti! Pinakamalakas pa doon ang tawa ng kambal. Dahil sa sobrang nakakabadtrip sila ay nagpatiuna akong naglakad. Tatawa naman silang sumunod.

Bwesit! Gawain talaga nila yan e.Ewan ko ba kung bakit ko pa naging kaibigan ang ma 'to.tsk!

"Pero pre, kelan mo ba balak magseryoso?" Dustin asked out of the blue

"magseryoso saan?"

"sa babae syempre! Dami mo nang pinaiyak e"he immediately answered

Natawa ako sa sinabi niya

"You gotta be kidding me, dude."

Natigilan siya nang ilang segundo at ngumiwi animo'y may nakakabaduy na naisip.

"Why? Still can't forget her?"

"Stop it" may pagbabanta na sa tinig ko.

"ohhh stop it!stoppppp itttttttttt" mala acapelang kanta ni Hughan na sinundan naman ni Lughan.

"stopppp i-i-i-i-t!s-s-s-stop i-i-i-i-it! yeah you! You re-e-ek me!"lughan

Doon na ako natawa dahil sa mga kulot niyang ginawa hanggang sa naging wrecking ball na ni mommy Dionysia.

Tatawa-tawa kaming lumakad nang may biglang

"Hoy"

Napahinto kami dahil doon.Natanaw ko ang isang kaagaw-agaw pansin na babaeng nakasandal sa poste.Matangkad, maputi, may mahabang buhok at maangas.Kakaiba ang dating niya,kaya hindi lamang kami ang napahinto.Ang iba ay halos magtulakan na makita lang ang misteryosang bababeng ito.Nagpadagdag sa angas niya ang sigarilyong walang tigil niyang hinithit.

Natanto kong ako ang tinititigan niya.Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla niya nalang akong tinuro.Teka!Ako nga ba?Bumaling ako sa aking mga kaibigan ngunit wala ni isa sa kanila ang pumansin sa paglingon ko.Lahat sila ay nakatutok sa babae.Binalik ko ang tingin sa kanya at agad nanlaki ang mata ng nakitang nakaturo parin siya sakin.Anong trip nito?Napakurap-kurap ako ng bigla niya nalang akong sinenyasan na lumapit sakanya gamit ang kanyang mga daliri.Ako ba talaga?Nilingon ko si Fio at bago pa ako makapagsalita ay naputol na ito.

"Hoy ikaw!"

I looked at her again.So,ako nga?

" 'Lika nga rito " she commanded.Aba!aba! Ibang klase din ang isang 'to!

"Pre tawag ka!" pukaw sakin ni Dustin

Sino ba kasi 'to?Don't tell me..........

Tsh!HAHAHAHA! Ano ba naman 'tong kagwapuhan ko,pati tibo ay nabibighani.Hay!Buhay gwapo nga naman oh.Mayabang akong lumapit sa kanya.Ngumiti pa ako para naman hindi siya mapahiya Hoho!

Nang tuluyan na akong nakalapit ay saka niya tinapon ang kanyang sigarilyo sabay patay nito.

"Ikaw ba si Theo?" she asked

Oh kitams! Akalain mo nga namang kilala pa ako. Well, sikat e.

"Ako nga,bakit?" mayabang kong sagot

"Nice" seryoso ngunit may angas niyang sabi.

Nice daw!Bakit? dahil sa wakas ba ay nakilala mo na ang pinakagwapong nilalang dito sa mundo?tsk!tsk!natawa ako sa aking naisip


"Ako si Uno"inilahad niya ang kanyang kamay "ang bodyguard mo"

Oh! Bodyguard ko-----ANOOOO?!!!


Code Name:UNOWhere stories live. Discover now