Chapter : 19

6 1 0
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW,


Habang  minamasdan ko ang kanilang labanan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong labi na ngumiti. Lahat sila ay nagsasanay, mapabaguhan  man o hindi, lahat ay pinapakita nila ang kanilang lakas at kapangyarihan.




Z academy, ito ang nagsisilbing tahanan at pamilya ng mga taong pinagpala ng kapangyarihan. Itong academyang ito ang nagsisilbing gabay at mga magulang sa lahat ng mga tao at nilalang na hindi nauugnay sa pangkaraniwang bagay, mga nilalang na nalalayo sa buhay ng mga ordinaryong tao.




Ang academy na ito ay binubuo ng limang pangkat, Z'ros, Z'dos, Z'tres, Z'pors, Z'rookie. Ang Z'ros ang nangunguna sa lahat, narito ang mga malalakas, magagaling at higit sa lahat may potensyal na maging taga-halili sa paaralang ito, dito mas sinasanay ang kakayahan mo bilang isang zoros owner. Ang Z'dos naman ang pumapangalawa sa paaralang ito, narito ang grupo ng mga estudyanteng sinasanay para sa physical na labanan at itinuturo din dito ang iilang mga kapangyarihan na maari nilang gamit maliban sa pisikal na laban. Ang Z'tres naman ang pangatlo at nakapaloob dito ang mga magagaling sa pag-iisip ng stratehiya at iba pang mga paraan. Pinapalawak dito ang pag-uunawa at bilis sa pag-iisip habang nasa gitna ka ng gulo. Ang Z'pors naman ang pang-apat at dito itinuturo kung paano mapapabilis ang galaw ng iyong katawan. Bilis at liksi ng iyong pangangatawan upang makailag at makatakbo sa oras na kinakailangan mo. At ang panghuli ay ang Z'rookie dito nabibilang ang mga bagong estudyante na ngayon pa lang nila nalaman ang kanilang kakayahan. Dito sinasanay sila sa mga paligid at pinapaintindi ang mga pangyayari ngayon na kanyang kinakaharap.



Ganto man ang paraan ng pagtuturo dito ngunit masisiguro ko paring may mga natutunan silang mga aralin. Maliban sa pagsasanay ay may mga takdang aralin din silang gagawin, sasagutan, at ipapasa sa guro nila. Mga proyekto na dapat nila gawin, mapa-indibidwal man o pangkatan.


Ibinabahagi din ng mga gurong narito ang mga pangyayari noon, mga kaganapan na nasaksihan nila. Mga pangyayaring masasabing historikal na. Mga taong nagbuwis ng buhay at mga masasamang nilalang na naghahasik ng lagim sa loob ng paaralan noon.


Mga sikat at kilalang zoros owner at kanilang mga paglalakbay at kanilang buhay ay natatalakay dito. Mga kaganapan na hinding-hindi malilimutan ng mga matatanda at mga gurong narito't nagtuturo at naghihintay ng sunod na henerasyon para sa kapayapaan at kaunlaran.



Habang nakamashid, may isang tao ang nakapukaw ng pansin ko. Base sa mga kilos at paggamit ng kapangyarihan nya masasabi kong baguhan pa lamang sya. Ngunit, hindi ko maiitanggi na mas lalakas pa sya sa susunod na pagtutuos kung makakapag-insayo lamang sya ng tama at may pursigido.

Ang ipinagtataka ko lamang ay kung  bakit  may kakaiba sa kapangyarihan nya. Hindi ko mawari kung ito ba'y kapangyarihan ng darkzoros o kapanalig namin. Hindi ito basta-bastang kapangyarihan  lamang, nahahalo nya ang ibang elemento na nakapoob sa zoros. Hindi ito napapansin ng karamihan sapagkat kukunti lang ang nahahalo dito sa kapangyarihan nya.

Nakakagamit sya ng elemento ng tubig ngunit may kakaunting elemento ng hangin ang naiilabas nya. Hindi nya din ito napapansin sapagkat nasaisip nyang tubig ang kapangyarihan nya.


Ano nga ba ang tunay na kakayahan mo't nakuha mo ang interes ko? May kakaiba sa'yo, na hindi pa napapansin ng nakakarami. Kakaibang magdudulot ng pagkalito sa karamihan, nasisiguro ko.

Ito na ba ang sinasabi ng propesiya? Ito na ba ang magiging dahilan sa muling pagbaksak ng buong akademya o ang muling pagbangon nito?

Magiging magulo ang academy pag nagkataong malaman nila ito, hindi lang gulo kun'di digmaan. Hindi, hindi ito maaari hanggat wala pang masamang nangyayari.

Sa loob ng ilang decada, ngayon lang ako nakasaksi na may kakaiba pang kapangyarihan ang tinataglay ng isa lamng baguhan.

Sino nga ba ang mga magulang?
Bakit wala akong makuhang impormasyon galing sa pinanggalingan mo? Bakit napaka-pribado ng iyong pagkatao?

Ring.......

Rin—

"Hello, I need more information for precious , Precious Kate  Sandoval. About her parents at mortal world and get some information that was all about he. I need it before lunch. "









PRECIOUS POV,

WAHHHH

"Teakaaaa, aww—shit! Waittt! " sigaw ko ng sunod sunod na ang pag ataki nya sa'kin. Wala akong magawa kung hindi ilag ng ilag kung ayaw kong matusta ngayon mismo sa kinatatayuan ko.

Oh goddess Shit!

Sino ba naman ang hindi mapapamura kung bigla na lang may lulutang na bolang apoy sa harapan mo. Hindi naman sya talaga malaki, sakto lang ang bilog nya pero nasisiguro kung matutusta ka pagmatamaan ka ng bolang apoy nya. Napayuko ako sa pagkabigla at natumba. Muntik na, muntik na akong matamaan ng apoy nya! Ngumingiti pa ang kumag! Tss! Sayang saya.

Nakakaumay na ngiti nya! Ngiting-ngiti sya sa'kin habang tinitignan akong nahihirapan.


"Sabihin mo nga sa'kin! " sabi ko sabay dahan-dahang tumayo pinagpag ko pa ang dumi sa damit ko,   "may gusto ka ba sa'kin? "  dagdag ko pa na naging
dahilan para mawala ang ngiti nya sa labi. Nakatulala din sya sa'kin na para bang hindi nya inaasahan ang sinabi ko. Maya-maya pa bumulwak sya tawa na para bang wala ng bukas at sa susunod pa.



Psh, malamang hindi nya yun inaasahan! Pero nakakatawa pa rin.


"HA? HA-HA-HA! HAHAHAHA Ni hindi ka lang pala lampa't mahina, assuming ka rin pala HAHAHAH—ugh! " daing nya matapos kong batuhin sya ng air blades. Tatlong sunod-sunod na air blades. Pinapatama sa ilang parte ng katawan nya.


Basta na lang akong nag summon ng air blades at pinatama yun sa kanya. Isa sa paanan nya, at dalawa naman sa magkabilang braso. Lumabas ron ang masagana nyang dugo, kahit hindi ganon kalalim ang pagkakatusok non patuloy parin sa pag-agas ang dugo nya.


Huh? Air blades? Diba tubig akin? Bakit?


Habang ako ay nakatulala pagkatapos ko syang patamaan, napamaang naman syang nakatingin sa'kin. Puno ng katanungan at pagkalito ang makikita ko sa mata nya.


"Air blades? Really? Ho-how did you do that? Did you fucking lie? " anas nya pa sabay lapit sakin kahit nahihirapan syang maglakad. Napaatras naman ako sa biglaan nyang paglapit sa'kin.


Hindi ko alam! Wala akong alam maniwala ka. Nalilito rin ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Z Academy Where stories live. Discover now