Kabanata 14

149 5 1
                                    

Nagising ako na may tuwalya nang nakabalot sa akin. Hindi na ako nagulat na nakatulog ako sa shop. Medyo sumakit ang ulo ko dahil sa ininom namin ni Cyd. Inantok ako siguro nang mapagod sa pag-iyak matapos ng mga sinabi niya.

Hindi ko siya nakita sa loob ng souvenir shop, pati ang mga pinag-inuman at pinagkainan namin. Sigurado nilinis niya na 'yon.

Mula sa glass wall, makikita ang tirik na tirik na araw hindi gaya kagabi.

Lumabas ako sa shop dala ang tuwalyang kinumot niya sa akin. Walang guests na nakakalat sa buhanginan nang maglakad ako para pumunta sa resto. Paniguradong may hang-over ang mga 'yon, puwedeng sa alak o kaya sa concert.

Marahas kong pinikit ang mga mata ko nang makapasok sa loob ng resto, dumilim kasi ang paningin ko dahil nabigla ako sa sikat ng araw sa labas.

"Good morning, Sunray!" Umiling si Kim nang hagudin ako ng tingin. Mabilis na napalitan ang ekspresiyon niya ng pang-aasar. "Nagluluto sa cottage si Cyd. Sabay raw kayo mag-breakfast."

Nalaglag ang panga ko at saka tiningnan ang kaliwang banda kung saan naroon ang souvenir shop at inn.

"Sa gilid ka dumaan at baka sunduin ka pa ni Princess Charming sa shop," dugtong ni Kim.

Ngumuso ako sa hiya. Hindi kasi ako showy pagdating sa mga ganitong bagay.

"Crush mo?" Siniko ni Kim ang tagiliran ko. "Prumeno lang ako kagabi pero gusto ko na itanong kung kaya mo hinahanap si Cyd kasi type mo." Kunwari siyang umirit. "Ang suwerte, ha? Pinaghahanda pa ng breakfast ng crush niya—"

"A-ano ka ba," pigil ko.

Tumawa si Kim, walang pakialam na naiilang ako.

"Alis na kasi! Tagal kumilos, kunwari pang hindi excited! Balita ko pupunta kayo sa bayan mamaya. 'Wag na todohan ang pagpapakipot, Ericka!"

Hindi ko napigilang matawa dahil sa galing niyang mang-asar. Nang manawa, umalis na ako.

Sa gitna ng souvenir shop at restaurant ako dumaan kaya sa hallway ako ng mga rent room napunta. Nasa kanan ko ang mga cottage.

Lumapit ako sa veranda ng hallway at nakahalumbabang hinanap si Cyd.

Nakita ko na siya.

Hindi gaya ko, nakabihis na siya at mukhang mabangong-mabango na habang nag-iihaw sa manual grill sa tabi ng cottage.

Pinanood ko siyang ihanda ang mga plato, hanggang sa dumapo ang paningin niya sa akin. Nginitian niya pa ako.

Nilakad ko ang kinaroroonan niya. Nang makarating sa cottage, ibinaba ko agad ang paningin sa lamesa para hindi niya mapansin ang pagtitig ko sa kaniya.

"Magandang umaga, Binibini."

Tipid akong ngumiti. "Good morning po."

"Kain na tayo?"

Tumango ako at umupo sa tapat niya. "Kagabi..."

Huminto siya sa paghahain nang marinig ako.

"Sorry," dugtong ko. "Puwedeng 'wag mo na isipin 'yon?"

TakasWhere stories live. Discover now