〖𝟐𝟑〗𝐏𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐞

9 4 0
                                    

☽ 𝑷𝒓𝒊𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆 ☾

•~❉✿❉~•

NANG makalabas kami ni Sky sa masukal na damuhan ay isang kakahuyan na naman ang bumungad sa amin. Hindi kami tumigil sa pagtakbo hanggang sa mapadpad kami sa harap ng isang ilog.

The pristine water is so enticing. But at the same time terrifying. We can't see what's beneath the dark waters. Paniguradong sobrang lalim ng ilog. I can't swim. There's no way I'll survive if I'll fall there.

“Klydia!” Ang boses ni Tina ang umagaw sa atensyon ko mula sa ilog. Agad ako nitong dinamba ng yakap ng makaharap ako. Sa likuran nito ay nakasunod sina Drake, Bilky, Faye at George.

"I want to get out of here. Ayaw ko pang mamatay." Iyak nito sa akin.

Sa kabilang bahagi naman, lumabas ang hingal na hingal na sina Patricia, Blessy, Dale, at Keisha.

“Nasaan sina Venice at Sarah?” Agad na tanong ni Dale.

“Hindi ko alam. Nahiwalay sa amin si Sarah kaya hinanap siya ni Venice. Sinundan ko ito pero hindi ko na siya nakita. Imbes ay sina Tina ang nakita ko.”

“Narinig namin ang sigaw ni Rica kaya kami napatakbo patungo rito at nakita namin si Billy.” sagot ni Drake.

“Nasaan na pala si Rica?”

Muli na namang bumalik sa alaala ko ay kalunos-lunos na sinapit ni Rica sa kamay ng walanghiyang demonyong halimaw na iyon!

“W-wala na siya...”

Bagsak ang balikat nila sa narinig. I'm not that close to Rica but she became my friend too kaya labis akong nalulungkot sa pagkawala nito.

“Nakita niyo ba si Levin?”

“Hindi rin. Mukhang tayo-tayo na lang ang mga natira.”

“Umalis na tayo rito, mamaya maabutan na naman tayo ng mga halimaw.” Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran namin.

Nakita ko si Shane na walang kaemo-emosyon ang mukha. Nakasunod sa kanya si Niel na puno ng sugat sa katawan pero nagawa pa ring ngumiti nang magtama ang mga mata namin.

“T-Teka lang! Si kuya! Nakita niyo ba siya?” Tanong ko nang hindi makita si kuya.

“Hindi.” Malamig na sagot ni Shane. “Kailangan na nating umalis rito.” Anito at tumalikod na.

Gustong kong magalit rito. Girlfriend ba talaga ito ni kuya? Bakit parang wala itong pakealam na nawawala si kuya? Ganun-ganun na lang 'yun? Mas napatunayan ko ngayon na hindi talaga nito mahal si kuya at ginagamit niya lang. Ni wala nga siyang pake kung nasaan ito, o kung ayos lang ito!

Susugurin ko na sana ito dahil sa labis na inis nang may brasong pumigil sa akin. Akmang sisinghalan ko ang taong pumigil sa akin pero natigilan ako nang makita kung sino ito.

“Kuya!” Masayang sambit ko. “Akala ko di mo na tutuparin yung pangako mo sa akin!”

“Kailan ba ako di tumupad sa pangako ko?”

“Ayos ka lang ba? Ba't andaming dugo sa damit mo?” Nag-aalalang tanong ko.

“Wala ito.” Bale walang sabi nito. Nang tignan ko ang kabuuan niya ay parang may nagbago. Hindi ko lang matukoy kung ano.

“Kailangan nating tumawid riyan.” Turo nito sa nakatumbang malaking puno na nagdudugtong sa magkabilang panig ng ilog at nagsisilbing tulay.

Napakunot-noo ang aking noo nang mapansin ang kakaiba kay kuya. Sa pagkaalaala ko, nasasak ito ng Rogue sa dibdib niya. Pero bakit parang wala ng sugat ang dibdib niya?

At kung maglakad siya ay parang wala siyang malalang sugat?

✍︎ 𝑸𝒖𝒊𝒏𝒏𝒙𝒊𝒙𝒊𝒕𝒚𝒚

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐬 𝐁𝐞𝐡𝐢𝐧𝐝 𝐓𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐫𝐤 (Filipino version)Where stories live. Discover now