Chapter 8

8 2 0
                                    

Amirah POV

Weekend ngayon kaya nag-abala akong ayusin ang sarili ko kasi pupunta ako sa mall para mag shopping, mood ko na yun tuwing weekends-mas prefer ko kasi bumili ng mga damit or anything kaisa magstay sa bahay.

Paglabas ko room ko ay bumungad saakin ang ate ko na nakapa krus ang kamay habang nakatingin saakin.

"What?" Mataray na sabi ko.

"Nakakahiya ka talaga. Pinuntahan ako ni Mrs. Tirso para ibalita saakin na ipinapahiya mo apelyido mo!"

Bumuntong hininga ako.

"Nakarating din pala sayo yun, o tapos anong balak mo?"

Tinuro niya ang pinto ng library habang hindi inaalis ang tingin saakin. "Mag aral ka."

Natawa naman ako. "Why?"

"You're such a stupid foolish human, Amirah! Nahihiya ako kapag nababalitaan ng mga kaklase at friends ko na may bobo akong kapatid!"

"Hindi ka proud?"

"Tigil tigilan mo ang pagsagot saakin, Amirah!"

"Sino ba nauna ikaw ang humarang sa daan ko hindi naman kita inaano! Jusko!"

Natatawang sabi ko at aalis na sana nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko para ipaharap uli sakanya. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya kaya inis kong binawi ang kamay ko.

"Mag aral ka. Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay ngayon hanggat hindi ka nag aaral!"

"Hindi kita ina para sundin kita."

"I'm your sister and you should follow me, Amirah!"

"Wag mo nga ako pakialam, umagang umaga ate.." Nabobored na sabi ko at inayos pa ang buhok ko tiyaka sinubukan akong umalis ngunit nagulat nalang ako ng hilain niya ang shoulder ng dress ko para mapunit ito.

Gulat ko siyang nilingon.

"Now you can't leave this house! Go back inside, Amirah!"

"Wag mo nga akong pakialaman ate! Kung gusto mo mag aral-mag aral ka mag isa mo, wag mo akong idamay jan sa kabalbalan mo! Kaya kay tumatandang abnormal dahil lulong ka sa pag aaral!"

"What a rude animal, Amirah!"

Inis ko siyang tinulak dahilan para sampalin niya ako ng malakas.

"Pasalamat ka nalang at binubuhat ka namin sa pangangailangan mo!"

Natigilan ako at pinanood siyang umalis.

"Hindi ako makapaniwalang ikaw ang pinili nila Mom!" Narinig ko pa na sabi niya.

Nangisi naman ako at itinaas ang napunit na manggas ng damit ko.

"Kahit patayin mo ako sa isip mo wala akong pakialam!" Tawa ko pa at inis na bumalik sa room ko para magpalit ng damit.

Badtrip! Sa lahat ng pwede niya sirain yung dress pa na pagkamahal mahal!

Sa halip na ikulong ang mood ko sa away namin ni ate ay nilibang ko nalang ang sarili ko habang naglilibot sa loob ng Mall. Konti lang ang tao ngayon sa loob kaya hindi ako nahirapang maglibot-libot na hindi nakikipag siksikan sa mga stores.

May nahagip naman akong pamilyar na pigura ng tao sa di kalayuan, at hindi nga ako nagkamali.

"Kairi!"

Napalingon siya saakin at nagulat din nang makita ako, kumaway pa ako kaya kumaway din siya.

"Amirah!"

Seniors of Helena High SchoolWhere stories live. Discover now