HE'S A GENTLEMAN

23 7 0
                                    

How can I not love him when he's such a gentleman?

Sa panahon ngayon, bihira ka na lang talaga makakita at makakilala ng isang taong "GENTLEMAN" 'di ba? Sa sobrang bihira, kapag may nakilala kang gentleman, magugustuhan mo talaga sila.

May kaibigan ako and yes, gentleman siya. He'll do what he can do to help those who's in needs. He treats girls around him with care. Hindi siya katulad ng mga lalaki ngayon na napakadali lang sa kanilang saktan ang babae, napakadaling pagsabihan ng masasamang salita ang mga babae.

Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako. Napakaraming tao ang nakapaligid sa kaniya ngunit siya lamang ang nakikita ko, ang mga matatamis niyang ngiti ang kumukumpleto ng araw ko.

“Hoy, Kia. Tulala ka na naman diyan? Girl, tulog ka ba at tumutulo laway mo? Ew,” Saad ng isa kong kaibigang si Stacey

“Ingay mo naman, Stacey. ” Ani ko rito

“Bakit ka na naman ba kasi tulala? Dahil kay Kyle? Ikaw ah, gusto mo pala si Ky—”

“Kapag hindi ka mananahimik sasabog 'yang nguso mo,” Saka tinignan ko ito ng masama

“Scary~ so ano nga? Tama ba ako?” Hindi naman ako sumagot kaagad, “I'll take that as a yes. Why don't you confess?” Suggest niya kaya naman napatingin ako kaagad sa kaniya

“Baliw ka ba? Ako? Aamin? Sa kaniya? No way!”

“Girl, mauunahan ka na niyan. Sige ka, marami pa namang nag-coconfess sa kaniya,” Tama naman siya.

Nakikita ko parati na maraming babae ang nag-coconfess sa kaniya. I mean, sino ba naman kase ang hindi magkakagusto sa kaniya?

Pero nginingitian lamang niya ang mga ito at nire-reject niya ito ng maayos.

Bulungan ng iba kong kaklase na may gusto na siya. I won't deny na nasaktan ako no'ng narinig ko 'yon. Totoo man iyon o hindi, nakaramdam ako ng sakit.

Pero wala naman ako sa posisyon para masaktan. Hindi naman niya ako girlfriend eh. I'm just his friend and I should act like a friend. Huwag ko dapat sirain ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman kong ito.

Siguro nga ay dapat lang talagang hindi ako umamin sa kaniya at palihim ko na lamang siyang magustuhan.

Mas mabuti na iyon kaysa naman sa masira ang kung anong meron kami ngayon.

Kung sino man ang babaeng gusto niya, napakaswerte niya

—WORK OF FICTION
—PLAGIARISM IS A CRIME
—OPEN FOR SUGGESTION

ZAHRA'S ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now